Duterte itinuring bilang ‘world’s most popular leader’ ng isang UAE-based newspaper

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM
  • Itinuturing na ‘world’s most popular leader’ ng isang UAE newspaper si Pangulong Duterte
  • Ang pangunahing dahilan umano ay ang pananatili ng popularidad ni Duterte sa gitna ng krisis
  • Maaaring isa rin daw sa dahilan ay ang tagumpay ng ‘Build, Build, Build’ program

Itinuring si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘pinakasikat na presidente sa buong mundo’ ng isang newspaper sa United Arab Emirates (UAE) sa isang artikulo nito na lumabas nitong Oktrubre 27.

Sa article (Duterte is the world’s most popular leader: here’s why) na sinulat nina Jay Hilotin, Senior Assitant Editor, at Christian Borbon, Senior Web Editor ng Gulf News, inisa-isa ang mga dahilan kung bakit maituturing na ‘world’s most popular leader’ ang Pangulo ng Pilipinas.

Screenshot mula sa Gulf News

Isa rito umano ay ang pananatili ng popularidad ni Duterte sa kabila ng malawakang ‘unemployment’ at gutom dahil sa ipinatutupad na lockdown sa bansa.

“Despite the pandemic woes, or perhaps because of it, Filipinos have kept faith in President Rodrigo Roa Duterte, whose popularity has gone through the roof this year. He scored a record 91% public approval rating in a survey taken in September,” ayon sa artikulo.

Ikinumpara din ang approval rating na natanggap ni Duterte sa gitna ng krisis (91%) kay Russian President Vladimir Putin (60%) na nagpapatunay umano, para sa kaniyang mga taga-suporta, na naitawid nang maayos ng Pangulo ang bansa sa gitna ng pandemic.

Screenshot mula sa Gulf News

Marami rin daw ang humahanga sa katapatan (perceived honesty) ng Pangulo kaya siya pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy. Bukod dito, tanggap din umano ng karamihan ang patuloy na pagsugpo ng gobyerno sa mga salot ng lipunan tulad ng kurapsyon at iba pa.

Maaari rin umano dahil sa tagumpay ng “Build, Build, Build’ program ng gobyerno.

“The move is seen, in part, as an antidote to years of neglect of infrastructure, lack of jobs, poverty, communist insurgency and separatism that had plagued the country for decades. Duterte has also encouraged private companies to fork out billions of dollars for big-ticket projects, including airports, skyways, power plants, iconic bridges,” ayon pa sa article.

Screenshot mula sa Gulf News

At ang panghuli umano ay ang napipintong pagpalit ng kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte bilang susunod na lider ng bansa dahil na rin sa popularidad ng kasalukuyang Pangulo.

“Buoyed by popular support, Duterte is consolidating his base and cementing his legacy. He has to handpick a successor. Duterte’s daughter Sara is the most likely candidate,” wika ng artikulo.

Source :

Gulf News, Remate, PNA

Loading…