Enchanted Kingdom bubuksan na sa Oct. 17; minors at senior citizens bawal pa pumasok

Imahe mula sa Enchanted Kingdom
  • Enchanted Kingdom bubuksan na sa Sabdo, October 17
  • Sa ngayon, ang mga nasa 21 to 59 age braket lang ang papayagang makapasok
  • Mula October 17 hanggang December 13 ay Sabado at Linggo lang bukas ang theme park
  • Mula December 14, 2020 hanggang January 3, 2021 ay araw-araw na itong bukas

Makalipas ang mahigit pitong buwan ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 outbreak ay unti-unti na ngayong binubuksan sa publiko ang mga pasyalan o tourist attractions sa layuning muling pasiglahin ang turismo sa bansa.

Imahe mula sa Enchanted Kingdom

Kabilang sa mga atraksyon na ito ang Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa Laguna.

Sa Sabado, ika-17 ng Oktubre, ay maaari na namang ma-enjoy ang mga rides and attractions ng theme park tulad ng mataas na ferris wheel na tinatawag na Wheel of Fate, ang Space Shuttle rollercoaster, Logjam at marami pang iba.

Batay sa advisory ng theme park, tuwing araw ng Sabado at Linggo lang ito bukas mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-sais ng gabi. Ito ay mula October 17 hanggang December 13, 2020.

Simula December 14, 2020 hanggang January 3, 2021 ay araw-araw nang bukas ang Enchanted Kingdom.

Bilang pagsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, hindi pa pinapayagang makapasok sa theme park ang mga menor de edad at ang mga senior citizens. Sa ngayon, ang mga nasa 21 to 59 age bracket lang ang papapasukin.

Imahe mula sa Enchanted Kingdom

Hanggang 50% lang ng capacity ng Enchanted kingdom ang pinayagan ng pamahalaan. Ang physical distancing ay mahigpit na ipatutupad. Bago pumasok ang mga guests ay kukunan ng body temperature at required na mag-fill out ng health forms.

Ang pagsusuot ng face masks at face shields ay required sa lahat ng oras habang nasa loob ng theme park. Kung sasakay sa mga rides ay maaaring alisin ang face shield at iwan sa mga designated storage bins.

Imahe mula sa Enchanted Kingdom

Ang re-opening ng Enchanted Kingdom ay aprubado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang Department of Tourism, Department of Trade and Industry at Department of Labor and Employment.

Imahe mula sa Enchanted Kingdom

Loading…