Ethel Booba puno ng malunggay, saging, papaya ang tanim sa loob ng bahay

Imahe mula kay Ethel Booba
  • Ethel Booba, isa rin palang plantita
  • Kaiba sa mga plantito at plantita na ornamental plants ang tanim, mga puno ng gulay at prutas ang alaga ni Ethel sa loob ng bahay niya
  • Marami ang nagka-ideya na maganda rin pala sa loob ng bahay ang mga puno ng prutas at gulay

Hindi nagpapahuli ang comedienne na si Ethel Booba sa kinahihiligan ngayon ng karamihan – ang pagtatanim ng mga halaman.

Imahe mula kay Ethel Booba

Ngunit kaiba sa mga plantito at plantito o mga taong nahihilig sa pag-aalaga ng mga halaman, hindi  ornamental plants ang inaalagaan ni Ethel kundi mga puno ng gulay at prutas kaya naman magmukhang vegetable garden ang loob ng magandang bahay niya.

Sa Facebook, ibinahagi niya ang ilang larawan ng mga alagang halaman sa loob ng bahay niya, partikular na sa dining area at sa sala.

“Good morning plantitos and plantitas,” caption ni Ethel sa FB post niya noong Biyernes, October 9.

Sa isa sa mga larawan, makikita si Ethel sa dining area habang karga si baby Michaela, ang anak nila ng partner na si Jessie Salazar. Makikita sa background ang isang puno ng malunggay na ang taas ay abot na sa kisame.

Naroroon din ang puno ng talong na may dalawang bunga pa.

Imahe mula kay Ethel Booba

Sa isang bahagi naman ng sala ay makikita ang tatlong paso na ang nakatanim ay mga puno ng papaya. Sa kabilang bahagi naman nito, sa tabi ng TV set, ay dalawang puno ng saging naman ang naka-display.

Mga naglalakihang gabi naman ang nakatanim sa gilid ng hagdan.

Imahe mula kay Ethel Booba

Patok naman sa mga netizens ang mga tanim ng komedyante. Sabi ng ilan, kamote na lang ang kulang para makumpleto na ang koleksyon ni Ethel. May ilan din na nagmungkahi na mag-alaga rin siya ng puno ng niyog sa loob ng bahay nila.

Dahil sa mga litratong ishinare ni Ethel, marami ang nagsabi na maganda rin pala tingnan sa loob ng bahay ang mga puno ng prutas at gulay.

Imahe mula kay Ethel Booba
Source :

Facebook, PEP

Loading…