Facebook dapat magkaroon ng fact checkers na hindi kritiko ng gobyerno – DILG

Imahe mula sa DILG
  • Hiniling ng DILG sa Facebook na dapat independent at fair ang ginagamit nitong fact checkers
  • Napag-alaman umano ng DILG na ang mga fact checkers ng Facebook ay kritiko ng Duterte administration
  • Ang DICT ay makikipagdayalogo sa Facebook upang tulungan ang PNP at AFP na magbigay ng kanilang panig hinggil sa tinanggal ng mga FB accounts at pages

Dapat magkaroon ang Facebook ng mga “fact checkers” na independent, fair na hindi kritiko ng pamahalaan, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Imahe mula sa CNNPH

“Dapat may fact checker na tinatawag natin na independent, fair at hindi naman kritiko ng pamahalaan,” ani Sec. Año sa isang panayam.

Ang kanyang pahayag ay kaugnay ng ginawa ng Facebook na pagtatanggal sa maraming Facebook accounts at pages na konektado sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa diumano ay “coordinated inauthentic behavior.”

“In each case, the people behind this activity coordinated with one another and used fake accounts as a central part of their operations to mislead people about who they are and what they are doing, and that was the basis for our action,” pahayag ng Facebook noong nakarang buwan kasunod ng pagtanggal ng mga nasabing accounts at pages.

Nilinaw ni Sec. Año na hindi ibig sabihin ng kanilang hiling na gobyerno na ang maging fact checker. Ang dapat daw ay mga grupo o organisasyon na walang kinikilingan at walang pakialam sa political spectrum.

Imahe mula sa DILG

Sinabi niya na sa kasalukuyan ang dalawang fact checkers ng Facebook sa bansa ay parehong kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Gusto lang naman natin maging patas, balanse ang Facebook kasi napag-alaman natin na ang kanilang fact checker ay ang VERA Files at Rappler na pareho namang kritiko sa kasalukuyang pamahalaan,” anang kalihim.

Ang Department of Information and Communications Technology ay makikipag-dayalogo sa Facebook sa mga darating na araw upang tulungan ang PNP at AFP na makapagpaliwanag tungkol sa mga Facebook pages ng mga ito na tinanggal ng social media giant.

Imahe mula sa DICT

Ayon kay Sec. Año, 57 Facebook accounts, 31 Facebook pages at 20 Instagram accounts ang inalis ng Facebook nang wala man lang pasabi sa administrators ng mga nabanggit na accounts.

Loading…