Fans gusto ni Neri Naig na maging kasosyo; nagtanong ng mga business ideas

Imahe mula sa Facebook account ni Neri Miranda
  • Sa kabila ng tagumpay na inaani sa mga negosyong pinasok, nag-iisip pa rin si Neri ng bagong pagkakakitaan
  • Inimbitahan niya ang mga followers sa social media na maging ka-partner niya sa negosyo
  • Nag-sugggest si Neri ng mga negosyo at humingi rin ng ibang business ideas sa mga followers

Masipag at mahusay na negosyante si Neri Naig Miranda, ang asawa ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda, kaya naman kumikita ang mga negosyong pinasok niya.

Imahe mula sa Facebook account ni Neri Miranda

Marami rin siyang natutulungan na magkaroon ng kita kagaya ng kanyang mga distributors, resellers at referral agents. Sa kabila ng tagumpay na inaani sa mga negosyong pinasok, nag-iisip pa rin si Neri ng bagong pagkakakitaan.

Kabilang sa mga kumikita niyang negosyo ay ang kanyang Team Wais Real Estate business, Neri’s Gourmet Tuyo at Vibrant Coffee.

“Hindi makatulog. Ang daming iniisip. Maraming pinaplano. Marami pang gustong gawin. Aside from gusto kong kumita nang kumita, mas masaya na ‘yung mga kasama mo at sumama sa community mo ay kumikita rin!” aniya sa post sa Facebook.

Lahat ng kanyang mga resellers, distributors at referral agents ay kumikita na, pero gusto pa niyang madagdagan ang kita ng mga iyon kaya nag-iisip pa siya ng bagong negosyo.

“Ngayong nakaka-ipon na sila, gusto ko pang dagdagan mga income namin. Nag-iisip ng kung ano pa ang pwedeng pagkakitaan at i-negosyo,” anang aktres na nadiskubre nang sumali siya noon sa Star Circle Quest ng ABS-CBN kung saan siya ang 6th runner up.

Imahe mula sa Facebook account ni Neri Miranda

Inimbitahan niya ang kanyang mga social media followers at fans na maging business partners niya. Ilan sa mga naiisip niyang pasukin ay ang pagbebenta ng bigas dahil sa tingin niya ay wala itong pagkalugi. Gusto rin niyang magtayo ng coffee shop, ng Derma clinic o kaya ay spa.

“May sariling coffee shop? Why not! Kaya natin yan! Di ba nung college tayo, na-imagine natin ‘yan na may maliit na tambayan ng mga barkada natin? May sariling bigasan? Gusto ko ‘yaaaan! Necessity ang bigas at mukhang walang lugi rito! Naku mas lalo akong na eexcite!! Derma at spa kaya? Isang malaking pangarap ng halos lahat ng kababaihan! Dream talaga ‘yan!” aniya.

Imahe mula sa Facebnook page ng Team Wais Real Estate

Tinanong niya ang mga followers kung alin sa mga binanggit niya ang gusto nilang negosyo o kaya naman ay kung mayroon silang ibang negosyo na maisa-suggest kung saan maaari silang maging business partners.

“Who’s with me? Tara, mangarap tayo at tuparin!” yakag niya sa lahat.

Loading…