Floyd Mayweather, Jr. naniniwalang siya ang greatest of all time sa larangan ng boxing

Imahe mula sa Facebook account ni Floyd Mayweather
  • Naniniwala si Floyd Mayweather, Jr. na siya ang greatest boxer of all time
  • Sa isang panayam ay inisa-isa niya ang dahilan kung bakit ganoon ang paniniwala niya
  • Inggit daw ang dahilan kung bakit hindi siya kinikilala ng iba bilang the best boxer ever

Muling iginiit ng retired 5-Division Champion American boxer na si Floyd Mayweather, Jr. na siya ang “greatest of all time” sa larangan ng boksing.

Imahe mula sa Facebook account ni Floyd Mayweather

Sa isang panayam, ikinumpara niya ang sarili sa lahat ng mga Hall of Famers sa boxing sport at inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit mas mahusay siya sa mga iyon.

Aniya, sa kasaysayan ng boksing ay mas marami siyang accomplishments kumpara sa kahit sino pa mang boksingero.

“Out of all these guys in the history of boxing, I’ve accomplished more than any fighter in the history of boxing,” aniya.

Una niyang binanggit si Rocky Marciano, ang American heavyweight champion na hindi nakatikim ng pagkatalo sa buong boxing career niya.

“How many world champions have Rocky Marciano beat? So we already know. I’ve beat more champions that’s going in the Hall of Fame than he beat in his career period,” paliwanag niya kung bakit itinuturing niyang mas magaling ang sarili kumpara kay Rocky Marciano.

Tulad ni Rocky Marciano, hindi rin nakatikim ng talo si Mayweather bago siya nagretiro na may 50-0 win-loss record; nahigitan niya ito ng isang panalo.

Imahe mula sa Facebook account ni Floyd Mayweather

“So we’re going to X him off. So he’s 49-0 and I’m 50-0,” aniya.

Kung accomplishments ang pag-uusapan, naniniwala si Mayweather na daig niya maging si Muhammad Ali na kilala bilang “The Greatest.”

“We’re talking about accomplishments. Is Ali the same fighter that got beat by a fighter with seven fights? Leon Spinks beat Muhammad Ali when he only had seven fights. If we really tell the truth, Ken Norton really beat Ali all three times. Go back and look at the fights. We’re just telling the truth and I love Ali. Sugar Ray Robinson? He had 200 fights? And I still beat more world champions than him,” aniya.

Maikli lang ang sagot niya nang tanungin kung bakit hindi siya binibigyan ng tamang pagkilala sa kabila ng paniniwala niya na siya ang pinakamahusay na boksingero – “Jealousy.”

Imahe mula sa Facebook account ni Floyd Mayweather
Source :

MSN, Sport Bible

Loading…