Frankie ‘di pinalampas ang akusasyon ng netizen na siya ang dahilan ng ‘anxiety attacks’ ni Sharon

Imahe mula sa MSN
  • Muling nakipagsagutan sa isang Twitter user si Frankie Pangilinan
  • Inakusahan kasi ito ng netizen na siya umano ang dahilan ng mga ‘anxiety attacks’ ni Sharon Cuneta
  • Ani Frankie, walang karapatan ang sinuman na ‘i-disrespect’ ang kaniyang ina

Hindi napigilang pagsabihan ni Frankie Pangilinan ang isang netizen na nag-akusa sa kaniya na siyang dahilan umano ng mga ‘anxiety attacks’ ng kaniyang inang si Sharon Cuneta.

Sa Twitter nitong Linggo, isang netizen ang nagsabing ‘full of angst’ ang anak ni Megastar kaya ito umano ang maaaring dahilan kung bakit inaatake ng ‘panic disorder’ si Sharon.

Imahe mula sa Yahoo News

“@kakiep83 and Sen @kikopangilinan, please have pity on Mega @sharon_cuneta12,” wika pa ng netizen.

Dahil dito, ni-retweet ni Frankie ang sinabi ng netizen na may kasamang reaksiyon: “First of all, where have you been, miss? Ma’am Angst is the genetic code of this generation.”

Sinubukang ipagtanggol ng netizen ang kaniyang tweet dahil isa lang naman umano itong obserbasyon.

Subalit hindi pa rin napigil si Kakie at sumagot ng “You don’t publicize your convoluted assumptions about my mother’s mental health without me calling you out.”

Screenshot mula sa Twitter

“i don’t care what you think about me. but you don’t ever disrespect my mother like that — not by misrepresenting a very real mental health condition she doesn’t suffer from,” dagdag pa ni Kakie.

“That’s not disrespect, Kakie. It’s an observation. People do get anxiety attacks when there’s too much pressure,” sagot namang muli ng netizen.

Subalit muling binalikan ito ng anak ni Sharon at Kiko. Aniya, “Guys, take notes please:”

Screenshot mula sa Twitter

“Do not EVER diagnose a public figure you know nothing about. Do not EVER blame people for your own assumed views on mental health. Don’t try to push a false narrative onto someone who has suffered from actual clinical anxiety since she was 14,” wika nito.

Kilala si Frankie Pangilinan sa pagiging vocal sa kaniyang nararamdaman sa Twitter. Ilang beses na rin itong nasangkot sa pakikipagsagutan sa mga bashers ng kaniyang pamilya, lalong-lalo na ang bumabatikos sa kaniyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan.

Loading…