Full operational capacity ng mga hotel sa GCQ, MGCQ areas pinapayagan na

Imahe mula sa Bilyonaryo
  • Mga hotel sa GCQ at MGCQ areas papayagan na ang 100% operational capacity
  • Nilinaw ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na nasa hotel management ang desisyon kung mag-ooperate sila ng 100% capacity
  • Pinapayagan na ring bumiyahe ang mga residente kahit non-APOR mula sa GCQ areas patungong MGCQ areas at vice versa

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) na papayagan na ang mga hotel na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ areas na makapag-operate sa hanggang 100 percent capacity nito sa layuning makabangon ang tourism industry ng bansa.

Imahe mula sa PNA

Nilinaw ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang desisyon na makapag-operate ng 100% ay nasa hotel management.

“The decision to open at 100-percent operational capacity will be subject to the hotel management’s decision and compliance with the safety guidelines,” ayon sa kalihim.

Nakatakdang maglabas ang DOT ng guidelines hinggil sa expanded operational capacity ng mga hotel. Ito ay matapos ilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Resolution number 79 noong October 15 na ang ahensya ang magtatakda ng papayagang operational capacity ng mga hotel mula sa dating 50% operational capacity.

Bukod sa expanded operational capacity ng mga hotel, niluwagan na rin ng IATF ng interzonal at intrazonal movement ng mga tao. Ang ibig sabihin nito ay pinahihintulutan nang tumawid o makabiyahe ang mga residenteng non-authorized persons outside residence (non-APOR) na nasa GCQ areas patungo sa MGCQ areas at vice versa.

Imahe mula sa PNA

“The inter-zonal movement of persons not authorized outside of residences between areas placed under general community quarantine or modified general community quarantine for any purpose shall be permitted, subject to the reasonable regulations imposed by the LGU concerned, or in the case of Boracay Island, subject to those imposed by the Boracay Inter-Agency Task Force,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Nauna na ring niluwagan ng IATF ang age restrictions sa mga pinapayagang lumabas ng bahay. Mula sa dating 21 to 60 years old, pinapayagan na ngayong makalabas ng kanilang mga tahanan ang nasa age bracket na 15 to 65 years old.

Screenshot mula sa UNTV video

Loading…