Gagawing apartment! Business tycoon binili ang bangkong hindi nagpautang sa kanya noon

Image by Adam Deering via Instagram
  • Mayamang negosyante, binili ang building ng bangko na tinanggihan siyang pautangin noon
  • Ipare-renovate niya umano ito at gagawing walong apartment at isang retail unit
  • Payo ni Adam Deering: “Remember, your current situation is never your final destination”

Binili ng isang mayamang negosyante kamakailan ang building ng bangko na hindi nagpautang sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya mga 18 taon na ang nakararaan. Ang nabili ay binabalak niyang ipa-renovate at gagawing eight apartments at isang retail unit.

Image by Adam Deering via Instagram

Pagkukuwento ni Adam Deering sa kanyang Instagram account, “So last week, I bought the bank building where I got knocked back for a loan at 21 years old! So when I was a broke a*s 21-year-old, I had a dream to work for myself and setup my own business.”

Saad pa ni Adam, gumawa siya ng business plan at nag-set ng appointment para makausap ang bank manager para sa planong makakuha ng business loan.

Panay umano ang panalangin niya noon yamang wala siyang pera at hindi alam kung papaano maisasakatuparan ang pangarap kapag walang pang-kapital.

“I sat down with my fingers and toes, crossed, and the woman who was the bank manager took my business plan, went through it quickly and in a patronisingly tone said the problem is ‘Adam, you are a bit young and you have no business experience. This isn’t something we can do at this stage.'”

Image by Adam Deering via Instagram

Nang mga pagkakataon na iyon, saad niya, ay nalungkot siya at frustrated sapagkat wala siyang “Plan B”, nakaalis na siya sa pinagtatrabahuan, sapat lang ang pera para sa tatlong buwang upa sa tinutuluyan, at may phone-line off BT na nasa ilalim ng 30-day credit terms.

Kalaunan, dahil sa pagsusumikap at matinding pagnanais na magtagumpay ay siya na ngayon ang namumuno sa limang multi-million companies na kinabibilangan ng debt management firm.

“Remember, your current situation is never your final destination,” ang pahayag ng negosyante.

Image by Adam Deering via Instagram

Loading…