Gerald Anderson binuksan na sa publiko ang kaniyang resort sa Zambales

  • Bukas na sa publiko ang resort ni Gerald Anderson
  • Ito ay ang Hayati Private Resort sa Botolan, Zambales
  • Humanga naman ang mga netizens sa mga naipundar ng Kapamilya actor

Ibang klaseng fulfilment ang dulot sa isang taong masipag at matiyagang nagtrabaho kapag nakikita na ang bunga ng kaniyang pinaghirapan. Kagaya na lamang ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson na binuksan na sa publiko ang kaniyang pinagawang resort sa Botolan, Zambales.

Makikita sa kaniyang Instagram post ang larawan ng kaniyang bagong property na “Hayati Private Resort.” Hinikayat niya ang publiko na magsadya at magpa-book na sa kanila.

Imahe mula sa Instagram account ni Gerald Anderson

“Verified! We are now ready for you!! Please follow @hayatiprivateresort for more details and experience the best sunset in the world,” ani Gerald sa kaniyang IG post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ang mahalaga, isang sikat na tao ang gumawa nang mabuti at nagpundar, heto ngayon nagkaroon kami ng isa sa mga pinakasikat na artistang kapitbahay lang namin at nasa mukha naman na mabait at baka balang araw isa na rin siya sa mga makakatulong sa amin na magiging kababayan at kabarangay niya, BENEG/ SAN MIGUEL, BOTOLAN, ZAMBALES, GO Gerald! God Bless you more, we love you being our neighbor!” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Maganda ang meaning ng pangalan ng resort mo Gerald. Ang ibig sabihin ng “hayati” na sa Arabic ay ‘Buhay ko.’ Congratulations!”

“Good job Gerald. Marami ‘tong investment na property at negosyo kaya mawala man siya sa showbiz, mayroon siyang pagkakakitaan,” saad naman ng isa.

Sabi naman ng isa, “Awesome place for a vacation even there’s corona! From California here planning to visit my homeland as soon as wala na ang pandemic.”

Imahe mula sa Instagram account ni Gerald Anderson

Bukod sa taping ng “A Soldier’s Heart” na nagwakas na sa Kapamilya Channel, personal na pag-aasikaso sa kaniyang resort ang inatupag ni Gerald sa panahon ng lockdown dulot ng pandemya.

Loading…