“Gone, but never forgotten”: Restored photos ni Rico Yan trending sa social media

Image by Rico Yan and Claudine Barretto / Dexter Mendoza / Emmanuelle Joy Bingay via Facebook
  • Restored photos ng matinee idol na si Rico Yan, trending sa social media
  • Mga alaala mula sa pamosong aktor, binalikan ng netizens
  • Tagahanga: “Gone, but never forgotten Rico Yan, my ultimate idol”

Humakot ng atensyon sa social media ang restored photos ng dating aktor at matinee idol na si Rico Yan; patunay na ang kanyang legacy sa entertainment industry at maging sa kawanggawa ay hindi pa rin nakalilimutan ng madla.

Image by Rico Yan and Claudine Barretto / Dexter Mendoza via Facebook

Ibinahagi sa Facebook page na Rico Yan and Claudine Barretto kamakailan ang mga larawan na ni-restore nina Dexter Mendoza at Emmanuelle Joy Bungay na humakot ng napakaraming reaksyon, lalo na ang kanyang graduation photo sa De La Salle University (DLSU).

Mayroon ding restored photo ng Got 2 Believe poster na pinagbidahan nila ng aktres na si Claudine; ang pamosong pelikula ng sikat na love team noong ’90s. Pati photoshoots niya ay nagawan ng restored version.

Komento ng isang tagahanga, “Gone, but never forgotten Rico Yan, my ultimate idol. You’re always in our heart and been missed forever.”

Saad ng isa pa, “Still on the top of my list of great actors and handsome Filipino TV personalities.”

Sumakabilang-buhay si Rico noong 2002 sa edad na 27 at ito’y labis na ikinalungkot ng mga tagahanga at buong entertainment industry.

Nag-umpisa ang showbiz career ng aktor nang mapili bilang modelo ng Cosmopolitan Modeling Agency para sa isang facial cleaner commercial; sakto namang kasali sa screening committee noon si Johnny Manahan na siyang nag-offer sa kanya na gumawa ng pelikula.

Image by Rico Yan and Claudine Barretto / Dexter Mendoza via Facebook

Napasama siya sa Star Circle Batch 1 at nakagawa ng maraming proyekto; mas lalo siyang nakilala dahil sa love team nila ni Claudine.

Maliban dito, nakilala rin siya sa mga kawanggawa kagaya ng pagsisimula ng Pinoy Yan Movement at pagtulong sa Are You a Forest King? Foundation, Blue Eagle Foundation, One Dream Foundation at iba pa.

Nagtapos siya ng Marketing Management sa DLSU.

Image by Rico Yan and Claudine Barretto / Dexter Mendoza via Facebook

Loading…