Guro na gumagamit ng green screen sa pagtuturo, hinahangaan ng mamamayan

Image by Jayson Loayon / GMA News via Facebook
  • Dedikasyon ng guro sa Matematika na gumagamit ng green screen sa pagtuturo, sinaluduhan ng madla
  • Ani Sir Jayson Laoyan, hindi nalalayo sa set-up ng actual na classroom ang kanilang ginagawa
  • Nakaagapay rin umano ang mga kapwa niya guro sa teknikal na pangangailangan

Paghanga sa dedikasyong ibinibigay sa propesyon ang natatamo ng isang guro online dahil sa paggamit nito ng mga makabagong teknolohiya kagaya ng green screen para mas maayos na maiparating ang kaalaman sa mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya. Hanep!

Image by Jayson Loayon / GMA News via Facebook

Nagagawa kasi ng green screen na mapalitan ang background ng kulay green o blue at magpasok ng mga imahe o teksto sa likod ng isang aktor na nagsasalita.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng GMA News kamakailan si Sir Jayson Loayan ng Bignay National High School sa Valenzuela kasama ang kanyang kapwa guro habang nasa isang kuwarto kung saan naka-set-up ang teknolohiya.

Pagbabahagi ng guro, hindi aabot ng isang oras ang kanilang pag-set-up sa livestream. Nakaagapay rin umano ang mga kapwa niya guro para sa teknikal na pangangailangan.

Ang kagandahan nito, aniya, ay hindi ito nalalayo sa set-up ng aktuwal na classroom. Nakapag- test broadcast na rin sila bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Kagyat namang nag-trending ang update ng GMA News tungkol sa dedikasyon ng guro at nakaabot na ito sa higit 1,800 reaksyon at nasa 1,800 pagbabahagi habang ibinabahagi ito.

Saad ng isa, “Admit it or not, napakahirap ng online class. Pero, salute sa mga teachers na ginagawa ang trabaho nila, dedicated from the heart.”

Image by Jayson Loayon / GMA News via Facebook

Komento naman ng iba, “Kudos sa teacher and the rest of the teaching staff ng school na ito for finding ways na maging parang ‘di nalalayo sa normal set-up ang pagtuturo. Hopefully, students are encourage to be participative, and support also from their parents and the rest of the family.

“Online class needs discipline for both parties. It’s not just one way communication. It’s both ways. Giving and receiving.”

Image by Jayson Loayon / GMA News via Facebook
Source :

Facebook

Loading…