Gurong kumanta ng “Do-Re-Mi” para sa kaniyang mga mag-aaral kinatuwaan

  • Natuwa ang mga netizens sa isang music teacher sa Grade school
  • Kinuhanan niya ang sarili ng video na umaawit ng “Do-Re-Mi”
  • Ginawa niya ito upang makuha ang atensyon ng mga pupils niya

Kinaaliwan hindi lamang ng kaniyang mga pupils kundi maging ng mga netizens ang isang grade school teacher mula sa Urgello, Cebu City, na kumakanta ng “Do-Re-Mi” mula sa musical play na “The Sound of Music” upang makuha ang atensyon nila.

Makikita sa Facebook post ng gurong si “Jeryline Aves,” 24 taong gulang, ang mala-anghel niyang tinig sa pag-awit ng “Do-Re-Mi” na talaga namang nakahihikayat sa mga pupils na kaniyang tuturuan. Naiiba nga naman kasi ang modality ngayon ng pagtuturo, at isang malaking hamon para sa mga guro kung paano nila makukuha at mapananatili ang atensyon ng mga mag-aaral sa online class.

Image capture mula sa Facebook account ni Jeryline Aves

Isang music teacher si Ma’am Aves kaya naman pala mahusay siyang umawit. Bata pa lamang daw siya ay kinakitaan na siya ng talento sa pag-awit at pagsayaw. At dahil pagtuturo ang pinili niyang tahaking landasin, naisipan niyang pagsamahin ang kaniyang mga talento, lalo na’t mga batang maliliit naman ang kaniyang mga tuturuan.

Ayon sa kaniya, mas napaghusay pa niya ang pag-awit noong nasa kolehiyo siya dahil naging kasapi siya ng Cebu Normal University Chorale.

Sa halip na magdownload na lamang ng mga videos online, minabuti raw niyang siya na lamang ang kumanta at i-video ang sarili. Hindi naman siya makapaniwalang papatok ito sa publiko.

“Even though I can get a copy of it online, I still recorded it because I think they look up to me and they’re used to me teaching them. I made the video as interactive as possible,” aniya.

Tumakbo ng dalawang minuto ang nilikhang mapangganyak na video ni Ma’am Aves. Hindi raw siya nagsawang mag-retake sa pagkuha ng video hangga’t hindi ito nagiging pulido para sa kaniyang mga mag-aaral.

Panoorin ang naturang video mula sa YouTube:

Loading…