Happy Birthday! Anak nina Toni Gonzaga at Direk Paul, apat na taong gulang na

Image by Toni Gonzaga via Instagram
  • Anak nina Toni Gonzaga at Paul Soriano na si Seve, apat na taong gulang na
  • Ang intimate birthday celebration ay ipinagdiwang sa The Monochrome sa Laguna
  • Sinusulit ng mag-asawa ang mga oras kasama ang anak ngayong may pandemya

Ang bilis ng panahon, ‘di ba? Apat na taong gulang na ang anak nina Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano na si Seve o Severiano Eliott; ang intimate birthday celebration ay ipinagdiwang ng pamilya sa The Monochrome sa Nuvali, Laguna. 

Image by Toni Gonzaga via Instagram

Sa mga larawang ibinahagi ni Toni, makikita ang mga balloon, inflatable background, banderitas at may pa-serbetos pa. Bilang pag-iingat sa pandemya, tanging mga malalapit na kamag-anak lamang umano ang inimbita.

Pahayag ng aktres, “Our favorite day of the year! Happy birthday Seve! We love you so much!” Nagbahagi rin siya ng bidyo kung saan makikita ang birthday boy habang sumasayaw, “His birthday dance! Go Sevs!”

Picture naman ng kanilang unico hijo habang nagbo-blow ng birthday cake ang ipi-nost ni Paul: “HAPPY 4th BIRTHDAY SEVE! @severianoelliott WE LOVE YOU!!”

Gayundin ang pagbati ng tita Alex Gonzaga ni Seve, “Happy birthday Seve!! Tata will always be here for you as the cooler 2nd mom! Hihihihih love you baby!”

Nauna nang sinabi ng mag-asawang Toni at Paul na sinusulit nila ang mga oras kasama ang kanilang anak ngayong may pandemya.

Image by Toni Gonzaga via Instagram

“That’s one thing that I’d like to say I’m grateful for in this situation… I’m just enjoying and cherishing this moment,” ani Toni.

Toni Gonzaga ipinagmalaki ang anak na si Seve na isa nang “Big Boy”

Noong nakaraang buwan lamang ay ipinagmalaki ng nanay na malaki na ang kanilang anak. Ibinahagi nito ang larawan ng anak habang nakasuot ng safety gear at face mask habang nakasakay sa mini scooter at naglalaro.

Happy Birthday, Seve!

Image by Toni Gonzaga via Instagram

Loading…