Happy International Coffee Day! Artist ibinida ang mga artworks na gawa sa kape

  • Ipinagdiwang nitong Oktubre 1, 2020 ang “International Coffee Day”
  • Kaya naman, itinampok ng isang artist ang kaniyang mga artworks na gawa sa kape
  • Fund-raising campaign ito para sa mga public transport drivers at operators

Kasabay ng pagdiriwang ng “International Coffee Day” sa unang araw ng Oktubre, ibinida ng isang artist ang mga artworks o likhang-sining na gawa sa kape, na may layuning makatulong sa mga public transport drivers at operators na nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng lockdown, dulot ng pandemya.

Makikita sa Facebook page na “Para Po Sa Inyo Ito Virtual Art Exhibit Fundraising Drive” na ginawa ng artist na si Emmanuel Hernandez ang kaniyang mga tampok na artworks na gawa sa kape, na nagpapakita ng mga subjects na tatak-Pilipino.

Imahe mula sa Facebook account ni Emmanuel Hernandez/Para Po Sa Inyo Ito Virtual Art Exhibit Fundraising Drive

Ilan sa mga ipininta niya gamit ang kape ay mukha ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jose Mari Chan, iba’t ibang mga hayop kagaya ng tarsier, kalabaw, Philippine eagle, pilandok, kalesa, at marami pang iba. Labis na humanga naman ang mga netizens sa artist, lalo na sa layunin nitong fund-raising campaign.

“Hayyyyy ang galing ng post… tungkol sa coffee art, talent at help for jeepney drivers…” papuri ng isa.

Turan naman ng isa, “Ito dapat ang tinatangkilik! Parang bukod sa maganda na, siguro ang sarap sigurong amoy-amoyin ang paintings hehehe, kasi amoy-kape.”

“It’s good to see talented artist raising a campaign for our dear jeepney drivers and operators who have been affected by the pandemic. Tangkilikin po natin!” wika naman ng isa.

Minabuti ng artist na i-extend pa ang deadline para sa mga nagnanais na tumulong at sumuporta sa kanilang kampanya. Tatanggap pa umano sila hanggang sa Oktubre 3, 2020.

Imahe mula sa Facebook account ni Emmanuel Hernandez/Para Po Sa Inyo Ito Virtual Art Exhibit Fundraising Drive

“Donation update as of 12:00 noon, September 30, 2020. Your donations of any amount are still accepted until October 3, 2020. This will be for the benefit of close to 3000 beneficiaries from the public transport sector,” ayon sa artist.

Bukod sa pag-inom ng kape, hindi ba’t mas produktibong paraan ito upang mapagdiwang ang “International Coffee day?”

 

Loading…