Harry Roque bumisita sa kanyang “happy place” – ang Boracay Island

Imahe mula sa Facebook account ni Harry Roque
  • Boracay Island itinuturing ni Harry Roque na kanyang “happy place”
  • Nagtungo si Roque sa resort island upang ipaalam sa publiko na handa na ang isla para sa mga turista
  • Hinikayat niya ang publiko na tulungang makabangon ang ekonomiya ng isla

Ibinahagi ni Secretary Harry Roque, tagapagasalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa social media ang isang larawan niya habang nakaupo sa white sand ng Boracay Island noong Linggo, October 4.

Imahe mula sa Facebook account ni Harry Roque

Sinabi niya na ang Boracay Island ang kanyang happy place mula pa noon hanggang ngayon.

“Ang aking masayang lugar mula noon, hanggang ngayon,” ang caption sa larawang ibinahagi niya.

Bukod sa nasabing larawan, nag-upload din siya ng isang video kung saan hinihimok niya ang lahat na magpunta na sa Boracay.

“Magpunta na kayo sa Boracay. Tara na sa Boracay,” anyaya niya sa publiko.

Layunin ni Roque sa kanyang pagbisita sa resort island na ipaalam sa madla na handa na sa mga turista ang isla at upang hikayatin ang mga mamamayan na tulungang makabangon ang ekonomiya ng popular na tourist destination. Aniya, maraming residente ng isla ang umaasa lang sa turismo para sa kanilang ikinabubuhay.

Screenshot mula sa video ni Harry Roque via Facebook

“Importante pong makita nila na pupuwedeng mamasyal na sa Boracay dahil ang nakasalalay po dito, 30,000 na mga hanapbuhay,” aniya.

“So kung kasalanan po ‘yun, pabayaan ninyo sila. Saka ‘wag kayong mainggit, pumunta na kayo mga kritiko ko dito sa Boracay,” sabi pa niya.

Screenshot mula sa video ni Harry Roque via Facebook

Ang Boracay Island, na isa sa pangunahing tourist destination sa bansa, ay muling binuksan noong October 1 para sa mga turista mula sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine sa layuning muling palakasin ang turismo sa buong bansa.

Source :

Facebook, PNA

Loading…