Harry Roque ‘kalma’ lang sa mga memes matapos ang kaniyang pagbisita sa Boracay

Mga imahe mula sa Facebook ni Sec. Roque
  • Ibinahagi ni Roque ang mga memes matapos ang kaniyang pagbisita sa Boracay kamakailan
  • Ang mga memes ay hango sa kaniyang video sa Boracay
  • Tila ‘cool’ naman dito ang tagapagsalita ng Palasyo

Noong isang araw ay kumalat ang video ni Presidential Spokesperson Harry Roque habang siya ay nasa Boracay.

Dito ay makikita ang tagapagsalita ng Palasyo na tila kumakaway sa mga tao at nag-iimbita para muling bisitahin ang sikat na tourist destination sa bansa.

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Roque

“Punta na kayo Boracay! Tara na sa Boracay!” ang masayang sigaw ni Roque habang iwinawagayway ang kamay.

Ayon sa kaniya, nais niyang ipakita sa publiko na handa nang muli ang isla upang tumanggap ng mga bisita matapos ang ilang buwang lockdown.

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Roque

Maraming netizens ang natuwa sa video ni Roque kaya ang ilan sa kanila ay hindi pinalampas ang pagkakataon upang gawan ng mga nakatatawang memes ang mouthpiece ng Malakanyang.

Nitong Miyerkules, ibinahagi ni Roque sa kaniyang Facebook ang ilan sa mga memes na na kaniyang nakolekta mula sa social media.

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Roque

Ang larawang ginamit sa memes ay kung saan makikita ang abogado na tila nakadipa. Ito ay kuha sa video niya sa Boracay kamakailan.

Ilan sa mga nakatatawang memes ay makikita si Roque na kasama sa mga sikat na anime tulad ng ‘Slam Dunk’.

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Roque

Ang isa naman ay makikitang parang binabantayan niya ang magaling na No. 23 player ng LA Lakers na si LeBron James habang ang isa pa ay mistulang nakikipagpatintero siya sa mga bata.

Makikita rin si Roque sa isang larawan na nasa gitna ng isang PEP squad habang ang isa naman ay nagmukha siyang si Spiderman na bumubuga ng sapot.

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Roque

Mayroon ding nakabilang siya sa mga pelikulang ‘Avengers’ kasama ang ibang superheroes, at ‘Gladiator’ kung saan nasa gitna naman siya ng arena.

Hindi rin pinalampas ng isang meme ang ‘paghati’ ni Roque sa Red Sea na hango sa kuwentong Bibliya ni Moses.

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Roque

Tila ‘cool’ naman si Roque sa mga memes na kaniyang ibinahagi at may pabirong caption pa ito na: “Akala n’yo di ko nakikita. Tawa lang kayo. #kalmaAkoLangTo”

Source :

Facebook

Loading…