Harry Roque natutuwa na may kontribusyon siya para maaliw ang mga kababayan

Imahe mula sa Facebook account ni Sec. Harry Roque
  • Masaya si Harry Roque na marami ang naaliw sa funny memes tungkol sa kanya
  • Masaya siya na sa gitna ng pandemya ay may kontribusyon daw siya kahit papaano na mabigyan ng aliw ang mga kababayan
  • Ginawan ng nakaaaliw na memes ng ilang netizens ang larawan ni Roque na kuha sa Boracay

Marami ang naaliw sa mga larawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kuha sa Boracay Island na ginawan ng nakatutuwang memes ng ilang netizens. Ikinatuwa rin niya na maraming kababayan ang naaliw.

Imahe mula sa Twitter account ni KTH

Aniya, masaya siya na sa kabila ng pandemya ay nakapag-ambag siya para kahit papaano ay maaliw ang mga mamamayan.

“Sa panahon ng pandemya eh natutuwa ako na kahit papano mayroon tayong kontribusyon para maaliw ang ating mga kababayan,” aniya sa panayam sa kanya ng state-run PTV.

Isa sa mga paborito niyang memes ay ang isinama ang larawan niyang nakadipa sa mga superheroes.

“Kamukha din ako ng mga Avengers. Kasing katawan ng mga Avengers,” sambit ni Sec. Roque.

“Kailangan po talaga natin na magkaroon ng konting aliw dahil alam n’yo naman ang mensahe ng Presidente, bagama’t nandiyan ang COVID-19 kaya po natin mabuhay in spite and despite. Pag-ingatan lang ang ating buhay para tayo ay makapaghanapbuhay,” sabi pa niya.

Imahe mula sa Facebook account ni Sec. Harry Roque

BASAHIN: Harry Roque “kalma” lang sa mga memes matapos ang kaniyang pagbisita sa Boracay

Bago pa ang panayam sa kanya ng PTV ay game na game niyang ibinahagi ang ilang memes sa kanyang Facebook account.

“Akala nyo ‘di ko nakikita. Tawa lang kayo. #kalmaAkoLangTo,” Facebook post niya noong Miyerkules, October 7.

Imahemula sa Twitter account ni CO

Ang larawang ginamit sa memes ay screenshot mula sa video niya na hinihikayat ang mga lokal na turista na bumisita sa Boracay Island na kamakailan lang ay binuksan na upang muling pasiglahin ang turismo at tulungang makabangon ang mga residenteng ang kabuhayan ay umaasa lang sa mga turistang bumibisita sa isla.

Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…