Heart Evangelista naglabas ng throwback pics para patunayang hindi siya retokada

Image by Heart Evangelista via Instagram
  • Heart Evangelista, naglabas ng patunay na hindi siya retokada
  • Ipinakita niya ang kanyang larawan noong siya’y tatlong taong gulang, 19-taong gulang at ngayong 35-taong gulang na siya
  • Marami ang sumuporta sa aktres

Palaging nai-isyu sa mga magagandang artista ang pagpaparetoke. Kesyo nagpabago raw sila ng ilong, ng labi at kung anu-ano pa. Kabilang ang sikat na aktres na si Heart Evangelista sa hindi tinatantanan ng mga tsismosa at nagtatanong kung natural ba ang angkin nitong kagandahan.

Image by Heart Evangelista via Instagram

Makailang beses naman nang nasabi ni Evangelista na natural ang kanyang kagandahan at walang ipinabago. “Never done anything to my face. My eyes and nose etc. were made by God. I swear.”

Bilang matibay na patunay sa hindi pagpapa-enhance o nagparetoke ng mukha ay naglabas ito ng larawang kuha noong siya’y tatlong taong gulang, noong siya’y 19-taong gulang at ngayong 35-taong gulang para ikumpara ng mga netizens.

Kagyat namang umani ng atensyon sa social media ang post ng aktres at marami ang nagpahayag ng pagsuporta.

Komento ng isa sa Fashion Pulis update, “Isa si Heart sa mga artistang hindi nagbago ang mukha. ‘Di ko gets ‘yung nagpipilit na retokada s’ya.”

Saad naman ng iba, “I don’t see the need for Heart to post this ‘coz she grew up in the eyes of the public. We were able to witness how beautiful she really is. I’m not sure why some questions it though when there’s really nothing that changed in her, just the age.”

Image by Heart Evangelista via Instagram

Dagdag pang komento, “She doesn’t need to do this, pero nakakainis naman talaga ‘pag may nagpupumilit na nagparetoke o nagpa-enhance ka kahit na sinabi mong hindi, it’s not about sa retoke issue eh, but it’s more of parang gustong sabihing sinungaling ka.”

Si Evangelista ay kilalang sikat na aktres, TV host, mang-aawit, visual media artist, philantrophist, socialite at kasalukuyang first lady ng lalawigan ng Sorsogon. Huli siyang napanood bilang isa sa mga hurado sa StarStruck noong 2019.

Image by Heart Evangelista via Instagram

Loading…