‘Heartless and Unintelligent’: Enchong Dee nag-react sa pahayag ni Celine Pialago tungkol kay Baby River

Imahe mula sa Instagram/Facebook
  • Naglabas ng reaksiyon si Enchong Dee tungkol sa naging pahayag ni MMDA spokesperson Celine Pialago
  • Tinawag ng aktor na ‘unintelligent’ at ‘walang puso’ ang opisyal ng MMDA
  • Humingi din ng public apology ang isang grupo mula kay Pialago dahil sa pagiging ‘insensitive’ umano

Mistulang nakanti ng pahayag ni MMDA Spokesperson at Assistant Secretary Celine Pialago tungkol kay ‘Baby River’ ang damdamin ng maraming Pilipino kabilang na ang mga celebrities.

Magugunitang nagpost sa Facebook si Pialago upang batikusin ang mga nakikisimpatiya sa pagdadalamhati ng aktibistang si Reina Mae Nasino at ang malungkot na sinapit ng kaniyang anak.

Imahe mula sa Twitter

Ayon sa post ni Pialago, ‘ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis’ ni Nasino at hinimok pa ng opsiyal na ang mga nakikisimpatiya sa aktibista na ‘pag aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalain niyong mabuti kung sino siya sa lipunan.’

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang bahagi ng pahayag na ito ni Pialago. Kabilang sa hindi napigilang magbigay ng kanilang reaksiyon ay ang aktor na si Enchong Dee.

Sa kaniyang Twitter post, tinawag ni Dee na ‘unintelligent’ at ‘walang puso’ ang MMDA official.

“This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo,” ayon sa Kapamilya aktor.

“Bilang isang tao… ok lang talaga sa yo??” dagdag pa ng post ni Echong Dee na may kalakip na screenshot ng pahayag ni Pialago.

Screenshot mula sa Twitter

Samantala, binatikos rin ng grupong Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang pahayag ni Pialago na dapat umanong humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa pagiging ‘insensitive’.

“The statement of Ms. Pialogo demonstrates the systematic and continuing effort of the Duterte administration in inflicting further pain and suffering to Reina and to those who mourn over the d*ath of Baby River,” ayon sa grupo.

Bukod dito, wala umano sa mandato ni Pialago para maglabas ng nasabing statement dahil malinaw na kawalan ito ng respeto at nagpapakita ng ‘conduct unbecoming of a public official.’

Loading…