‘Heroes marker’ ni Macli-ing Dulag atbp. pinatatanggal ng DPWH dahil sa isyu ng right-of-way

Imahe mula sa CPA via Change.org
  • Pinagigiba ng DPWH ang hero’s marker na itinayo para kina Macli-ing Dulag at dalawa pang kasama
  • Ang monumento ay ginawa bilang pagkilala sa kabayanihan nina Dulag noon
  • Giit naman ng DPWH, nakaharang ito sa kalsada at itinayo nang walang pahintulot

Pinatatanggal na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang monumento na itinayo bilang pagkilala sa kabayanihan ni Macli-ing Dulag at dalawa pa dahil nakaharang umano ito sa kalsada sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay  Upper Kalinga District Engineering Office (UKDEO) assistant district enginer Engr. Teodoro Owek, ilegal na itinayo ang naturang marker noong 2017 dahil sinakop nito ang right-of-way ng kalsada bukod pa sa wala itong kaukulang permiso mula sa kanila.

Imahe mula sa NNCP

Ang hero’s marker ay itinayo ng  Cordillera Peoples Alliance (CPA) upang kilalanin ang ginawang paglaban noon nina Macli-ing Dulag, Pedro Dungoc, at Lumbaya Gayudan sa pagtayo ng Chico Dam noong panahon ni Marcos.

Ang ‘notice to demolish’ ay inilabas ng lokal na opisina ng DPWH noong Otober 1 at natanggap naman ng CPA noong October 8. Bilang patakaran ng ahensiya, kailangan silang magpadala ng 3 notice bago gumawa ng kaukulang aksiyon.

Sa sandalling mabigo ang CPA na sumunod sa utos, mapipilitan ang DPWH na sila ang gumiba nito at sisingilin ang CPA sa mga nagastos.

Mahigpit naman itong tinutulan ng Bantayog ng mga Bayani.

“Bantayog ng mga Bayani Foundation opposes a plan to demolish a precious heroes’ marker in Kalinga province, and urges government to cherish and protect the monument for the inspiration of all Filipino ethnic peoples,” ayon sa pahayag nito.

Imahe mula sa Bantayog-Facebook

Umapela rin ng suporta ang CPA para pigilan ang napipintong pagdemolish sa historical marker.

“The reason given for the demolition: the edge of the monument falls within the road right-of-way. But behind this threat is an attempt by the government to hide from the public eye the true history of the indigenous people’s heroic resistance against displacement and oppression,” anang grupo sa inilunsad na kampanya sa Change.org.

Giit naman ni Owek, hindi lang ang naturang marker, kung hindi mahigit 40 na katulad na obstruction sa kahabaan ng Upper Kalinga Road ang kanilang binigyan ng kaparehong notice.

Loading…