Higit 100 million fans nanood ng online concert ng BTS

Screenshot mula sa "Map of the Soul ON:E"
  • Umabot sa 114 million fans ang nanood ng online concert ng BTS
  • Karamihan sa mga fans na nanood ay may hawak na light sticks
  • Ang virtual concert ay ginawa kapalit ng orihinal na planong live show na may limitadong audience

Sa gitna ng pandemya ay naghatid ng ligaya sa mahigit isang milyong fans nila ang K-Pop boyband na BTS sa pamamagitan ng kanilang online concert na pinamagatang “Map of the Soul ON:E”

Screenshot mula sa GMA video

Umabot sa 114 million A.R.M.Y. – tawag sa BTS fans – mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nanood ng concert, karamihan sa kanila ay may hawak na light sticks na tinatawag nilang “army bombs.” Isang chatroom ang binuksan para makapag-post ng kanilang mga comments ang mga fans.

Ang virtual concert ay ginawa kapalit ng unang plano ng BTS na magsagawa ng live show na may limitadong audience. Ito ay bilang pagsunod sa ipinatutupad ng South Korean government na social distancing protocols. Una na ring kinansela ng grupo ang kanilang world tours dahil sa pandemya.

“You’re not here but I feel you here, as if I can hear your chants, and next time let’s really be here together,” sabi ng bokalistang si V (Kim Tae-hyung) sa mga fans.

Habang nasa kalagitnaan ng kanilang performance, ipinapakita sa background ang malilit na screens kung saan makikita ang libo-libong fans na nanonood online.

Screenshot mula sa “Map of the Soul ON:E”

Sa Seoul, South Korea, ipinakita ang ilang fans na nanonood ng concert habang nasa loob ng isang BTS-themed café. Lahat sila ay nakasuot ng face masks at may distansya sa pagitan ng bawat isa.

“Their songs gave comfort in these tough times and made me a fan,” anang isang fan na naluha pa sa sayang nadarama habang pinanonood ang mga idolo.

“They sing to say everything will be okay and to cheer up, which I think is why all fans around the world love them,” sabi pa ng tagahanga.

Pito ang miyembro ng BTS – sina Jin (vocalist), Jimin (vocalist), V (vocalist), Jungkook (vocalist), Suga (rapper), J-Hope (rapper) at ang leader ng grupo na si RM (rapper).

Imahe mula sa BTS

Loading…