“Hindi ito product of gov’t influence”: Sen. Villar ipinagmalaking galing sa sipag at tiyaga ang yaman

Imahe mula sa Facebook
  • Muling ipinagmalaki ni Sen. Villar ang kanilang simpleng pinagmulan
  • Hindi umano produkto ng impluwensiya sa gobyerno ang kanilang yaman
  • ‘Mahiyain’ daw kasi ang kaniyang mister na si Manny para humingi ng ‘political favor’

Ipinagmalaki ni Senador Cynthia Villar na ang yaman ng kanilang pamilya ay galing sa sipag at tiyaga at hindi produkto ng kanilang ‘impluwensiya’ sa gobyerno.

Sa ginanap na pagdinig sa para sa corporate income tax reform bill, muling binalikan ng senadora ang kuwento ng pag-angat ng kanilang buhay matapos purihin ni Senador Richard Gordon ang pinagmulan ng kanilang pamilya.

Imahe mula sa Facebook

“Manny and I started when we were 25 years old. Our first business is a gravel and sand business with two trucks and we went to real estate because we were delivering gravel and sand to real estate companies,” kuwento ng mamababatas base sa ulat ng GMA News.

Ang tinutukoy ng senadora ay ang kaniyang mister na si dating Senate President Manny Villar na siya na ngayong itinuturing na pinakamayamang Filipino sa bansa, ayon sa Forbes magazine.

“Manny thought he could build houses. So, he started really from scratch and we grew not because of our influence but really it’s hard work and perseverance,” dagdag pa ng senadora.

Imahe mula sa Facebook

Hindi na rin lingid sa publiko ang kuwento ng pag-asenso ni Manny Villar na madalas ipagmalaki na nagsimula lang sila sa negosyong gravel and sand.

Napilitan lang umano silang pumasok sa mundo ng pulitika dahil parehong pulitiko ang kaniyang ama at kapatid. Ayon kay Sen. Villar, parang ipinamana lang sa kanila ang pagiging pulitiko at hindi sila makatanggi.

“But we never really used our political influence to make our company. We are used to fighting it out in the free market,” giit ng senadora, na nagsilbi ring kongresista sa Mababang Kapulungan.

“Hindi ito product of government influence. It’s really hard work and perseverance. Gusto ko lang i-manifest ‘yun kasi baka akala ng mga tao yumaman si Manny dahil sa political influence,” ayon pa sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook

Mahiyain daw kasi ang kaniyang mister na si Manny para humingi ng ‘political favor’, bahagi pa rin ni Sen. Villar.  Nagsimula lang lumago ang kanilang negosyo matapos itong buksan sa public investors sa pamamagitan ng initial public offering (IPO).

Sa kasalukuyan, tinatatayang nasa $5.6-B ang yaman ni Manny Villar, ayon sa Forbes. Ang kanilang negosyo ay kinabibilangan ng AllHome Corp., Golden Haven Inc., Starmalls Inc., Vista Land & Lifescapes Inc., at iba pa.

Loading…