“Honest” na sagot ng mag-aaral sa isang tanong sa module kinaaliwan

  • Naaliw ang mga netizens sa isang larawan
  • Nagpapakita ito ng isang pahina sa learning module
  • Naging “honest” ang sagot ng mag-aaral sa tanong

Sa bagong modality ng pagtuturo, bukod sa online ay may isa pang paraan upang maipahatid ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay tinatawag na “modular approach” kung saan gagamit ang mag-aaral ng mga learning modules na dinisenyo at nilikha ng mga guro, na walang kapasidad na makasabay sa online class.

Nagdulot ng katatawanan sa mga netizens ang larawang ibinahagi ng Facebook user na si “Nichol Villalba.” Sa pamamagitan ng Facebook post, ipinakita niya ang kuhang larawan sa pahina ng learning module na sinasagutan umano ng kaniyang kapatid na nasa Grade 3.

Imahe mula sa Facebook account ni Nichol Villalba / Public Domain Image

May situational question kasi roon na “Gumagawa ng takdang-aralin ang iyong kapatid at tila nahihirapan siyang gawin. Ano ang iyong gagawin?

Binigyan naman umano ng “honest” o tapat na sagot ng kaniyang kapatid na “(nasa) kolehiyo na ang aking mga kapatid at mas lalong hindi ko alam.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento ng mga netizens.

“Naging tapat lang naman siguro si bagets hehehe. Oo nga naman. Paano kung walang susunod na kapatid? Matuturuan ba ng nakababatang kapatid ang kaniyang mga nakatatandang kapatid?” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Oo nga no? Hehehe. Naging tapat lang yung bata sa pagsagot, huwag kayong magalit sa kaniya.”

“Iyan ang napakatapat na sagot, walang hesitations hehehe. Paano kaya lalagyan ng grade ang tanong na iyan? dapat may magandang rubrics o pamantayan sa pagmamarka,” wika naman ng isa,

Kamakailan lamang ay naging isyu ang isang learning module na itinampok din ng isang netizen, kung saan gumamit ng mga pangalang may double meaning, sa isa sa mga situational question nito. Nilinaw ng Department of Education o DepEd na ang gumawa nito ay mula sa pribadong sektor at hindi ang mga guro sa pampublikong paaralan.

DepEd nilinaw ang isyu hinggil sa isang module na may “malisyosong” mga pangalan

Imahe mula sa DF News
Source :

Facebook

Loading…