Hungary nag-alok ng $30-M credit para sa rehabilitation ng Laguna Lake

Imahe mula sa 365 Great Pinoy Stuff
  • Inalok ng Hungary ng US$30-M credit ang Pilipinas para sa rehabilitasyon ng Laguna Lake
  • Maaari nang kunan ng inuming tubig ang lawa kapag natuloy ang proyekto
  • Masyado na raw kasing polluted ang Laguna Lake at hindi napakikinabangan ng turismo

Nag-alok ng US$$30-m credit ang bansang Hungary para sa rehabiitasyon ng Laguna Lake ayon Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Péter Szijjártó  matapos ang kanilang pag-uusap nina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin at Trade Sec. Ramon Lopez kamakailan.

Sa panayam ng GMA News, kinumpirma ng Hungarian official na pormal nang inilatag ng kaniyang pamahalaan ang nasabing alok sa ginanap na bilateral meeting dito sa Manila.

Imahe mula sa Why Philippines

“Water management is one of the main areas of our cooperation for the future. We have offered a $30-million credit line to the Philippines in which Hungarian companies are ready to take part for the rehabilitation of the Laguna Lake,” bahagi ni Szijjártó.

Matagal na umano ang kanilang ginagawang negosasyon tungkol sa Laguna Lake rehabilitation na dati nang ginawan ng feasibility study ng Hungarian Water Technology Corp. noon pang taong 2018.

Sec. Teodoro L. Locsin, Jr. at Hungarian Minister Peter SzijjartoI Imahe mula sa DFA Facebook

Ayon kay Minister Szijjártó, heavy-polluted na ang kilalang lawa sa Laguna at hindi na ito mapakikinabangan ng turismo o para sa iba pang layunin.

Kilala ang bansang Hungary sa kanilang expertise at kapabilidad pagdating sa water management and treatment. Kabilang sa kanilang naayos ay ang Lake Balaton sa Central Europe na ngayon ay dinarayo na ng mga turista.

Sa gagawing proyekto ng Hungary, inaasahang maaari nang kunan ng inuming tubig ang Laguna lake.

Imahe mula sa PPP

“We are ready to deliver 16 water purification facilities in the country in order to ensure a sustainable potable water supply for the regions in the Philippines. So it’s a $30-million package which we are ready to provide you,” ani Szijjártó.

Maliban sa rehabilitasyon ng Laguna Lake, napag-usapan din sa bilateral meeting ang pagpo-promote ng mga Hungarian foods sa Manila at ang kooperasyon ng dalawang bansa para sa proteksiyon ng mga persecuted Christians sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Loading…