Husay ni Scarlet Snow Belo sa architecture at interior design, pinupuri ng netizens

Image by Scarlet Snow Belo via Instagram
  • Scarlet Snow Belo, ipinamalas ang kagalingan sa architecture at interior design
  • Nagdisenyo siya ng sariling kuwarto gamit ang 3D design software SketchUp
  • Humingi pa siya ng payo sa mga architects at interior designers para sa kanyang output

Umaani ng papuri sa social media ang husay ng anak nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo dahil sa husay nito sa architecture at interior design.

Image by Scarlet Snow Belo via Instagram

Ito’y makaraang magbahagi ang celebrity baby ng larawan habang nagdidisenyo ng sariling kuwarto gamit ang 3D design software SketchUp.

Ang ginawa niyang room design ay may red truck bed, cloud-patterned bed at mint green walls; kanya pang tinawag ang mga architects at interior designers na nasa social media para makahingi ng pagpapayo sa paggamit ng software at opinyon na rin sa kanyang output.

Saad niya, “It’s 10PM. I better sleep already. I will finish designing my new room tomorrow. If there are architects and interior designers out there, what do you think of my mint green walls, red truck bed, and cloud-pattern table? Also, can you share with me your Sketch Up shortcuts. Thank you!”

Kagyat namang nag-trending ang post ni Scarlet na nakakuha na ng nasa 39,500 reaksyon sa social media.

Komento ng isa, “Wow doing sketchup at such as nearly age.” Ani pa ng iba, “She’s starting young, meanwhile tayo is struggling.”

May nagsabi naman ng: “First a scientist. Now, an architect! I’m excited to see the results of your first attempt to architecture and interior designing, dear @scarletsnowbelo.”

Nauna rito ay ibinahagi rin ni Scarlet ang kanyang husay sa pagbe-bake ng “anti-coronavirus cookies” kasama si GMA actress Rhian Ramos.

Image by Scarlet Snow Belo via Instagram

“We’re joining the world race for the cure. When we finish our project please support us by buying and sharing it with others, ok.”

Scarlet Snow Belo isinapubliko ang ambisyong maging pangulo

Inihayag din niya ang planong maging pangulo ng bansa sa takdang panahon kasama ang pangakong gagawin niyang mas maayos ang mundo para sa mga mamamayan.

Image by Scarlet Snow Belo via Instagram

Loading…