‘I was misunderstood’: Bello kumambiyo sa posibleng pagpapaliban ng 13th month pay ngayong taon

Imahe mula sa PNA
  • Nagpaliwanag si Secretary Bello sa kaniyang naging pahayag tungkol sa deferment ng 13th month pay
  • Ani Bello, hindi lamang naunawaan ng karamihan ang kaniyang naging pahayag
  • Nasa batas umano ang 13th month pay kaya hindi ito puwedeng ipagpaliban

Nagpaliwanag si Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi lamang siya naunawaan ng karamihan matapos niyang sabihin na posibleng ipagpaliban muna ang pagbigay ng 13th month pay ngayong taon dahil sa krisis na pinagdadaanan ng mga kumpanya at negosyo sa bansa.

Ito ay matapos mabatikos ng labor group na Pagkakaisa ng UringManggagawa (PAGGAWA) ang Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa pahayag nito na pinag-aaralan nilang i-defer muna ang pamamahagi ng 13th month pay lalo na ng mga tinatawag na ‘distressed companies’.

Sec. Bello| Imahe via DOLE Facebook

Paliwanag ni Bello, nasa batas ang pagbigay ng nasabing bonus sa mga empleyado kaya hindi ito dapat ipagpaliban.

“It is very clear under the law that the 13th month pay has to be paid on or before Dec. 25. That is the law. There is no way you can delay or defer the payment of 13 month pay,” wika ng kalihim.

Hindi lamang umano siya naunawaan ng mga manggagawa nang banggitin niya na nasa implementing rules and regulations ang deferment ng 13th month pay.

“I was misunderstood when I mentioned especially in the implementing rules and regulations, there is a provision which says that companies in distress are exempted from paying 13th month pay,” ayon pa sa opisyal.

BASAHIN: 13th month pay ngayong taon posibleng ipagpaliban muna – DOLE

Sa isang virtual press briefing nitong Huwebes, magugunitang sinabi ni Bello na mas mabuting ipagpaliban na muna ang pagbigay ng 13th month pay kesa sa tuluyang i-exempt ang mga kumpanyang tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Ani Bello, “Instead of not paying, why don’t we just consult labor and management so they could agree on deferment, let’s say give the benefit next year or next month.”

Imahe mula sa PNA

Kaagad naman itong tinutulan ng mga labor groups dahil hindi umano ito katanggap-tanggap lalo pa’t ang mga trabahador ang mas higit na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Bukod dito, isa umano itong basic right na nakapaloob sa Labor Code ng bansa, ayon sa grupong PAGGAWA. Mas higit raw itong kailangan ng mga empleyado ngayon dahil marami pa rin sa kanila ang hindi nakatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Loading…