IATF nanindigan na 10% ng seating capacity lang ang pinapayagan sa mga simbahan

Imahe mula sa Quiapo Church
  • Tumanggi ang IATF sa panawagan ng Catholic Church na payagan ang mas maraming mananampalataya na makapasok sa simbahan
  • Nanindigan ang IATF na hangga’t nasa GCQ, mananatiling 10% lang ang papayagang seating capacity sa mga simbahan
  • Iginiit ni Fr. Badong ng Quiapo Church na patuloy pa rin silang mananawagan sa gobyerno na payagan ang 30% seating capacity sa mga religious activities

Tinanggihan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang panawagan ng Simbahang Katoliko na madagdagan ang pinapayagang seating capacity sa loob ng simbahan.

Sec. Menardo Guevarra/Imahe mula sa Presidential Photos

Ipinahayag ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na sa ngayon ay pananatilihin ng IATF ang patakaran na hanggang 10 percent seating capacity lang ang pinapayagan sa mga religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Binigyang-diin ni Sec. Guevarra na ang itataas lang ang seating capacity sa mga mass gatherings tulad ng religious activities sa oras na ibaba ni Pangulong Rodigo Duterte sa modified general community quarantine ang GCQ.

“For now, the IATF sticks to the existing rules on mass gatherings, including public worship in GCQ areas, until the latter get reclassified to MGCQ,” pahayag ni Sec. Guevarra na miyembro ng IATF.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng apela ni Fr. Douglas Badong, ang parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, na payagan na ang mas maraming mananampalataya na makapasok sa loob ng mga simbahan upang hindi na maulit ang nangyari noong isinagawa ang First Friday Mass kung saan nagsiksikan ang mga deboto sa labas ng simbahan.

Imahe mula sa News5

Bagama’t nakasuot ng face mask at face shield, ang mga deboto ng Itim na Nazareno na dumagsa sa labas ng Quiapo Church noong unang Biyernes ng Oktubre ay hindi naman sumunod sa physical distancing rule.

Iginiit ni Fr. Badong na hindi sila magsasawa na manawagan sa gobyerno na payagan na ang 30% seating capacity ng simbahan.

Screenshot mula sa video ng Quiapo Church

Loading…