#itreallyhurts: Babaeng naningil sa nangutang na kaibigan siya pa ang pinagalitan

  • Ibinahagi ng isang netizen ang convo thread niya sa isang kaibigan
  • Sinisingil niya kasi ito sa utang
  • Ito pa ang nagalit sa kaniya at wala raw siyang konsiderasyon

Paano nga ba masusukat ang tunay na kaibigan? Ito ba ay ang taong handang magpautang sa panahon ng pangangailangan, o taong handang magbayad sa panahon ng singilan?

Maaaring ilan sa inyo ang nakaranas nang mawalan ng kaibigan dahil sa paniningil ng inutang na salapi, dahil kinailangan mo na rin ito. Katulad na lamang ng naranasan ng netizen na si “Aira M. Polea” matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook post ang kuwento sa paniningil niya sa utang ng isang kaibigan; sa halip kasi na siya ang magalit bilang nagpautang, ito pa ang may ganang magalit sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Aira M. Polea

“Hindi po talaga ako marunong maningil ng umuutang, kasi ako pa ang nahihiya pero ito, iniisip ko pa mabuti paano siya i-text. Nakakahiya naman at nagalit sa akin dahil naningil ako. Sorry na po! Nangungutang din naman ako pero di ako ganito,” ayon sa netizen.

Ibinahagi ng netizen ang screenshot ng kanilang kumbersasyon na nagpainit ng ulo sa mga netizens na “relate-much.”

Kung babasahin ang kaniyang convo thread, makikitang maayos naman ang kaniyang paniningil sa kaibigang hindi naman pinangalanan. Tinawag niya itong “Dear.” Aniya, maniningil na sana siya kahit hindi buo, upang hindi naman mabigatan ang kaniyang pinautang sa pagbabalik nito. Kinumusta na rin niya ang baby nito.

Tumugon naman si “Dear” subalit tila galit pa ito at sinabing kasalanan daw ng nagpautang kung bakit hindi siya makakapagbayad, dahil nagastos na raw niya ang pera. Kunwari lamang daw ito na concern sa kaniyang anak, subalit maniningil lamang pala ito.

“Alam ko naman malaki ang utang ko, pero hindi ko naman nakakalimutan, pero sana marunong kang umintindi, palibhasa marami kang pera,” saad ni Dear.

Public Domain Image

Humingi naman ng dispensa si Aira kung naka-offend siya sa kaniyang ginawang paniningil. Wala naman daw siyang masamang intensiyon. Subalit iginiit pa rin ng sinisingil na pinapalabas ni Aira na hindi siya marunong magbayad ng utang.

“So sinasabi mong hindi ako nagbabayad ng utang? Minsan, sana marunong ka makaramdam, marami rin akong bills na dapat bayaran at hindi lang din ikaw.”

Kaya naman ang tanging nasabi na lamang ni Aira ay “Nakakatakot na maningil sa panahon ngayon. Baka sa sunod masapak na ‘ko nito.  Mapapakanta ka na lang talaga ng #itreallyhurts.”

Anong masasabi mo tungkol dito?

Source :

Facebook

Loading…