Ibang level ang steps! PE teacher todo-hataw sa pagsayaw para sa mga estudyante

Image capture of video by @kalokomo23 via Tiktok | Jay Garcia Gopez via Facebook
  • Todo-hataw performance ng isang Physical Education teacher, inulan ng papuri
  • Pakiramdam tuloy ng ilan ay nasa loob sila ng silid-aralan at nahihikayat na sumayaw din
  • Marami ang nagsabing sana’y gayundin ang enerhiya sa pagtuturo ng iba pang PE teachers

Hangang-hanga ang maraming netizens sa todo-hataw performance ng isang Physical Education teacher kamakailan para maturuan ang kanyang mga mag-aaral ng sayaw, sa sobrang taas kasi ng enerhiya ay tiyak na pakiramdam mo’y totoong nasa loob ka ng silid-aralan at nahihikayat ding sumayaw.

Image capture of video by @kalokomo23 via Tiktok | Jay Garcia Gopez via Facebook

Makikita sa TikTok video na ini-upload ni @kalokomo23 at ibinahagi ni Jay Garcia Gopez sa Facebook ang guro habang sumasayaw sa saliw ng pamosong kantang “Angelina”. Nag-trending ito at mayroon nang nasa 17,000 reaction at abot 25,000 pagbabahagi habang ipino-post ito.

Mababasa pa sa video ang mga katagang “Online class” at “Mapeh class”.

“Naku po, hindi ko kaya ang ginagawa ni sir,” ang saad ng isa. Sabi ng isa pa, “MAPEH teacher din ako pero hindi ko kaya. Very good, sir!”

“Hahaha kung ganito PE teacher ko, online ako lagi sa klase niya”, “O, dapat ganyan ang mga guro para ganahan ang mga students kahit online sila” ang iba pang komento.

Marami naman ang umaasa na sana’y pamarisan ng iba pang PE teachers ang energy level ng nasa trending video para ganahang matuto ang mga estudyante sa online class.

Image capture of video by @kalokomo23 via Tiktok | Jay Garcia Gopez via Facebook

Sa kasalukuyan kasi ay blended learning ang isinasagawa sa bansa para maiwasang mahawa ang mga mag-aaral sa COVID-19. Pinakaginagamit ang mga module o di kaya’y online class.

Gamit ang makabagong teknolohiya, nagkikita-kita ang mga guro at mag-aaral kahit na nasa magkaibang lokasyon.

Baguhan man ang marami sa paggamit nito sapagkat nasanay na sa face-to-face discussion ay ginagawa naman ang lahat para makakuha ng de-kalided na edukasyon ang mga mag-aaral.

Kudos sa Physical Education teacher! Galing niyo po, sana all may ganyang talento.

Panoorin ang video:

Source :

Facebook

Loading…