Ibon na kalahating lalaki, kalahating babae natagpuan

Imahe mula sa Powdermill Nature Reserve
  • Isang pambihirang ibon ang nalambat ng mga researchers sa isang nature reserve sa Pennsylvania
  • Ang ibon ay kalahating lalaki at kalahating babae
  • Ang mga ibong may ganitong pambihirang katangian ay tinatawag na bilateral gynandromorph

Isang pambihirang ibon ang natagpuan ng isang grupo ng researchers sa Powdermill Nature Reserve sa Westmoreland County sa Pennsylvania sa Amerika.

Imahe mula sa Powdermill Nature Reserve

Ang ibon, na isang Rose-breasted Grosbeak, ay isang bilateral gynandromorph na ang ibig sabihin ay kalahating lalaki at kalahating babae. Ang ibon na nalambat noong September 24, 2020 ay lalake sa kanang bahagi at babae sa kaliwang bahagi ng katawan nito.

Kinabitan na ng band o tag ang naturang ibon para sa pagkakakilanlan nito.

Ayon sa mga researchers ng Carnegie Museum of Natural History, sa loob ng 64 taon ng kanilang ginagawang banding sa mga ibon, wala pang sampu ang naidokumento nilang ibon na bilateral gynandromorph.

Sinabi ni Annie Lindsay, bird banding program manager ng Powdermill Nature Reserve, na “once in a lifetime experience” ang pagkakatagpo sa ibon.

“One of the banding team members described it as ‘seeing a unicorn’ and another described the adrenaline rush of seeing something so remarkable. They all are incredibly grateful to be part of such a noteworthy and interesting banding record,” sabi ni Lindsay.

Imahe mula sa Powdermill Nature Reserve

Ang kulay pulang balahibo ng ibon sa kanang bahagi nito ay katangian ng lalaking Rose-breasted Grosbeak at ang dilaw na balahibo sa kaliwang bahagi ay katangian ng babae.

“It was spectacular. This bird is in its non-breeding plumage, so in the spring when it’s in its breeding plumage, it’s going to be even more starkly male, female,” sabi pa ni Lindsay.

Bago ito, ang huling ibon na nahuli at nalagyan ng band na isang  gynandromorph ay noong taong 2005. Isa rin iyong Rose-breasted Grosbeak.

Ang 2005 gynandromorph/Imahe mula sa Powdermill Nature Reserve

Loading…