Ilang grupo, nanawagan na isuspinde ang paggamit ng Beep Card sa EDSA Busway System

Imahe mula sa DOTr
  • Ilang grupo ang nanawagan na isuspinde ang paggamit ng Beep Card sa EDSA Busway System
  • Ayon sa mga grupo, gobyerno dapat ang mag-isyu ng fare card upang maiwasan ang pananamantala ng mga pribadong kumpanya para kumita sa panahon ng pandemya
  • Hiniling ni Sec. Tugade sa service provider ng Beep Card na alisin ang P80 na singil sa card

Nanawagan ang ilang grupo  na isuspinde ang paggamit ng Beep Card para makasakay ang mga pasahero sa mga bus na pumapasada sa EDSA Busway.

Imahe mula sa MMDA

Sabi ng secretary general ng Bayan na si Renato Ryes, Jr., dapat ay ang gobyerno ang mag-isyu ng fare card upang maiwasan ang pananamantala ng mga pribadong kumpanya para kumita. Ipinaalala niya na ang layunin ng cashless transaction sa mga bus ay alang-alang sa public health upang mabawasan ang contact sa pagitan ng pasahero at konduktor sa loob ng pampublikong transportasyon.

Ayon naman sa grupong Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumer para sa Ikauunlad ng Bayan (Suki), talo ang mga pasahero kapag ipinaubaya ng pamahalaan sa mga pribadong kumpanya ang cashless payment system sa public transportation.

“P80 for only the card, aside from the fare, is burdensome. If this was meant to counter COVID-19, why charge the public. Shouldn’t this be covered by the government?” sabi ni Suki spokesperson Reggie Vallejos.

Nanawagan naman si Gabriela Women Representative Arlene Brosas sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ipatigil ang bagong sistema kung hindi nito mapipigil ang profiteering na ginagawa ng mga private company.

Imahe mula kay Atty. Kristina Conti

“Just imagine, commuters, mostly low-income workers were forced to pay P80 for a Beep card, P100 for load with a maintaining balance of P65 and a P5 convenience fee per load for third party service providers. LTFRB should suspend this policy, and refund the commuters,” anang mambabatas.

Hiniling naman ni Transportation Secretary Arturo Tugade sa AF Payments, Inc., ang service provider ng Beep Card, na alisin na ang P80 na singil para sa beep card. Kung hindi umano papayag ang kumpanya ay isususpinde niya ang cashless transaction sa EDSA Busway System.

Imahe mula sa DOTr

Loading…