Ilang senador dismayado nang madiskubreng pinapayagan ang mga 35-anyos na Chinese ‘retirees’ sa bansa

Imahe mula sa Nikkei Asian Review
  • Nagulat ang ilang senador sa dami ng mga bata pang Chinese retirees sa bansa
  • Nakababahala umano ito dahil maaaring nagtatrabaho lang ang mga nasabing Chinese sa POGO
  • Humingi ng karagdagang detalye si Senador Richard Gordon mula sa PRA

Hindi makapaniwala ang ilang senador matapos madiskubreng pinapayagan umano ng gobyerno na mag-retire sa bansa ang mga Chinese nationals na edad 35 anyos pa lamang.

Sa ginanap na budget hearing para sa Philippine Retirement Authority (PRA), isang attached agency sa ilalim ng Department of Tourism (DOT), kinuwestiyon ni Senador Richard Gordon ang ganitong patakaran ng pamahalaan.

SA datos kasi mula sa PRA, umabot sa 27,678 na Chinese retirees ang namamalagi sa bansa na halos ikatlong bahagi na ng kabuang 70,020 na retirees dito. Malayo ang agwat ng bilang ng Chinese sa pumapangalawang Koreans na 14,144 lamang.

Imahe mula sa Twitter/ Kat Tamayo

Dahil dito nabahala si Gordon lalo pa’t ang iba ay edad 35 lamang umano subalit nag-retire na sa Pilipinas.

“That’s dangerous… Why would they retire here at 35? Why don’t they retire in their own islands?” tanong ng mambabatas. “All the people before the war in Japan were posing here as construction workers… making hemp… That is a national security interest.”

Paliwanag naman ni PRA General Manager Bienvenido Chy, matagal na ang ganitong patakaran ng gobyerno bago pa man siya maupo sa puwesto.

“In Korea, the military would retire at the age of 35,” ani Chy. “Investors ito na willing sila bumili ng condominiums para makapag-reside sila sa Pilipinas.”

Imahe mula sa Nikkei Asian Review

Subalit iginiit ni Gordon na delikado at katakot-takot ang ganitong pangyayari kaya dapat ay mag-ingat ang Immigration.

Ganito rin ang pananaw ni Senador Nancy Binay na nagulat sa dami ng batang Chinese retirees sa Pilipinas. Hindi umanong malayo na ginagamit lang ito ng mga Intsik para makapagtrabaho sa POGO.

“Ang laki nung Chinese retirees natin. I don’t know if we have the budget to monitor na hindi nagtratrabaho itong mga ito sa POGO,” ani Binay.

Humingi naman ng karagdagang detalye si Gordon mula sa PRA upang matukoy umano kung sino ang pumayag na magretiro sa Pilipinas ang mga 35 anyos na Chinese nationals.

Loading…