Illegal entry ng mga Chinese workers kabilang ang ilang presong Intsik, iimbestigahan sa Senado

Imahe mula sa ABS-CBN
  • Pagdagsa ng mga illegal Chinese workers sa bansa iimbestigahan ng Senado
  • Maraming Chinese workers, kabilang ang ilang mga preso, ang nadiskubreng nagtatrabaho sa isang Chinese steel factory sa Misamis Oriental
  • Ilang taon na umanong nagtatago ang mga Chinese workers na walang dokumento sa loob ng factory

Paiimbestigahan ni Senator Juan Miguel Zubiri ang napaulat na patuloy na paglaganap at pagdami ng mga illegal Chinese workers sa bansa.

Imahe mula sa kay Sen. Migz zubiri

Ito ay matapos hilingin ng isang grupo – ang Pinoy Aksyon for Governance and the Environment –  sa pamamagitan ng isang liham na ipinadala sa kanya at kay Senator Francis Pangilinan na usisain ang walang humpay na illegal na pagdagsa ng mga Chinese workers sa bansa.

Ang hiling ng Pinoy Aksyon ay kasunod ng pagsalakay na isinagawa ng Bureau of Immigration sa isang Chinese steel plant sa Misamis Oriental kung saan natagpuan ang mga Chinese workers na walang mga dokumento.

Ayon sa impormante ng Bureau of immigration, ilang taon nang nagtatago sa loob ng steel factory ng Keim Hing Steel Corp. ang mga illegal Chinese workers. Ang operasyon ng kumpanya sa bansa ay nagsimula noon pang 2016.

“This may be just the tip of the iceberg as more businesses are employing illegal workers from China. Some are prisoners sentenced to hard labor, illegally trafficked in the country,” ayon sa statement ng Pinoy Aksyon.

Sinabi ni Sen. Zubiri na pag-aaralan nilang mabuti ang ulat ng Pinoy Aksyon.

Imahe mula sa Pinoy Aksyon for Governance and Environment

“Please know that we are studying this matter carefully,” anang senador bilang tugon sa apela ng grupo.

Aniya, bubusisiin ito ng Senate Committee on Labor kasabay ng kanilang pagtalakay sa Senate Resolution 67 o ang pagdagsa ng illegal foreign workers sa bansa.

Ayon kay Ben Cyrus Ellorin, chairperson ng Pinoy Aksyon, karamihan sa mga illegal Chinese workers ay sa construction nagta-trabaho. Libo-libong manggagawang Pinoy ang diumano ay naaagawan ng mga Intsik sa trabaho.

Imahe mula sa Bandera

Loading…