Ina ng estudyanteng na-recruit ng NPA umapela kay Cavite Gov. Remulla sa pamamagitan ng open letter

Imahe mula sa PTN
  • Ina ng isang NPA recruit may open letter para kay Gov. Remulla
  • Apela ng ina, sana ay pakinggan din ng gobernador ang mga katulad nila tulad ng ginawa nitong pakikisimpatiya sa mga celebrities na sina Liza Soberano, Catriona Gray at Angel Locsin
  • Ang ina na si Therese Fuentes ay kasapi ng Hands Off Our Children, samahan ng mga magulang na ang mga teenager na anak ay na-recruit ng CPP-NPA-NDF

Nagpaabot ng isang emosyonal na apela sa pamamagitan ng open letter kay Cavite Governor Jonvic Remulla ang isang nababagabag na ina na nagsasabing ang isa niyang anak ay biktima ng mapanlinlang na recruitment ng New People’s Army (NPA).

Imahe mula sa Facebook account ni Therese Fuentes

Sa kanyang liham para sa gobernador, sinabi ni Ginang Therese Fuentes na halos apat na taon siyang nanahimik tungkol sa nangyari sa kanyang anak na si Francis Erm Mariveles hindi dahil ayaw niyang ipaglaban ang anak kundi hindi niya alam kung sino ang hihingan ng tulong.

“I’ve been silent for almost 4 years about what happened to my son Frances Ern Meriveles. Hindi ako nanahimik dahil ayaw ko ilaban ang anak ko. I was silent dahil hindi ko alam kung sino ang makatulong sa akin. We came from a simple and poor family,” simula ng ginang.

Aniya, si Francis Erm ay nahikayat na sumapi sa NPA sa pamamagitan ng organisasyong front daw ng CPP-NPA-NDF at ayaw raw niyang matulad ang ibang pamilya sa sitwasyon nila ngayon.

Apela niya kay Gov. Remulla ay pakinggan siya lalo na’t may dalawa pa siyang anak na hindi niya nais na ma-recruit din ng NPA.

Imahe mula sa Facebook account ni Therese Fuentes

“Gov. Jonvic Remulla I hope you would consider to hear us out. I still have 2 children and I want to make sure that these kind of organizations will not victimize more youths in Cavite. You had emphathize with the celebrities. I know you will also want to hear our stories from Hands Off Our Children. We are all victims of deceptive recruitment. Our children became full-time activists and later on became members of CPP-NPA-NDF,” sabi pa ng ginang.

Si Ginang Fuentes ay miyembro ng “Hands Off Our Children” na isang samahan ng mga magulang na ang mga anak na teenager ay na-recruit ng mga CPP-NPA-NDF.

Narito ang kabuuan ng bukas na liham niya para kay Gov. Remulla:

Source :

Facebook, PTN

Loading…