#InspiringCouple nakapagpundar ng bagong bahay dahil sa paglalako online

Image by Ceejay Ponce via Facebook
  • Mag-asawang magkatuwang sa online business, nakapagpundar na ng sariling bahay
  • Hindi man daw ito kalakihan, ang mahalaga ay ang ang kalinisan, kaayusan at mabuting puso ng mga naninirahan
  • Marami ang na-inspire sa kuwento ng mag-asawa

Yamang nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at posibleng mahawa kapag magpagala-gala sa labas, marami ang gumagamit sa mga online platforms para patuloy na kumita para sa pamilya. May pera rito. Kinabibiliban naman ang mag-asawang netizen na nakapagtayo na ng sariling bahay dahil sa paglalako online.

Image by Ceejay Ponce via Facebook

Sa kanyang post patungkol sa kanilang “munting tahanan” sa Facebook ay pinasalamatan ni Ceejay Ponce ang Diyos at lahat ng taong tumulong para maisakatuparan ang pagpapatayo ng bahay.

Kabilang pa sa pinasalamatan niya ang kanyang tatay na sobrang sipag dahil libre ang pagtatrabaho nito, ang nanay na laging nag-aasikaso sa kanila habang busy sila sa negosyo online, ang kanyang pinsan na tumulong sa paggawa ng bahay, ang kanyang asawa na masipag din at ang anak na nagpapasaya sa kanya.

Katuwang ni Ceejay ang misis na si Mylene sa pagbe-bake at pagbebenta ng mga pastries na siyang kanilang online business.

Hindi man kalakihan ang bahay, saad ng netizen, ang okay ay ang pagkakaroon ng mabuting kalooban ng mga naninirahan na sinamahan pa ng kalinisan at kaayusan.

“Ang aming munting tahanan sa bukid. Hindi sa laki o garbo nasusukat ang ganda ng isang bahay kung ‘di sa kalinisan at kaayusan nito at sa mabuting puso ng mga naninirahan dito.”

Image by Ceejay Ponce via Facebook

Habang ibinabahagi ito ay nakalikom na ng higit 6,300 reaksyon at nasa 36,000 pagbabahagi ang post na punung-puno ng “sana all” mula sa netizens.

“Small but beautiful,” ang komento ng isa. Saad naman ng iba, “Wow, ang ganda naman niyan.”

Tunay ngang nakaka-inspire ang mga ganitong kuwento ng mga mamamayan na patuloy na nagsusumikap sa buhay para makapag-pundar ng mga ari-arian at makapagbigay ng mas maayos na kinabukasan para sa pamilya.

Image by Ceejay Ponce via Facebook

Loading…