Isang ina may open letter kay Liza at Catriona hinggil sa karapatang may kaakibat na responsibilidad

Imahe mula sa Facebook
  • Isang ginang ang gumawa ng open letter para kay Liza Soberano at Catriona Gray
  • Ang bukas na liham ay may kinalaman sa isyung kinasangkutan nila at ni Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr.
  • Ang ginang ay co-creator ng “Hands Off Our Children” FB page na kasama sa maraming FB pages na tinanggal ng Facebook Philippines

Isang ginang ang nag-post sa kanyang social media account ng isang bukas na liham para sa aktres na si Liza Soberano at Miss Universe Catriona Gray.

Screenshot ng open letter ni Mrs. Relissa Santos Lucena

Batay sa nilalaman ng kanyang open letter, may kinalaman ito sa mainit na isyu ngayon na kinasasangkutan ng dalawang celebrities na kapwa nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan at ni Lieutenant General Antonio Parlade, Jr. na binintangan ng marami na nag-red tag daw o nag-akusahang makakaliwa sina Liza at Catriona.

Sinimulan ni  Ginang Relissa Santos Lucena ang kanyang open letter sa pagpapakilala sa sarili bilang isang ina na ilaw ng tahanan ng pamilyang Pilipino at kabilang sa sektor ng mga kababaihan.

“Dear Liza Soberano at Ms. Universe Catriona Gray, ako po si Mrs. Lucena kabilang sa sector ng kababaihan at Ina na ilaw ng tahanan ng pamilyang Pilipino,” panimula ng ginang.

Ayon kay Mrs. Lucena, siya at ang kanyang pamilya ay isang mukha lang ng mga nabiktima ng CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front).

Ang ginang ay co-creator ng “Hands Off Our Children” FB page na kasama sa maraming FB pages na tinanggal ng Facebook Philippines. Ang anak niyang si Alicia Jasper Lucena ay na-recruit ng grupong Anakbayan at matagal nang hindi umuuwi sa kanilang tahanan.

Imahe mula sa Facebook account ni Relissa Santos Lucena

Sinabi ni Mrs. Lucena na ang grupong Gabriela ay itinuturing na mapaminsalang organisasyon na sumisira sa kinabukasan ng mga anak ng katulad niyang ina. Ito ay ayon daw sa ahensya ng Pilipinas na nangangalaga ng ating katiwasayan at kapayapaan.

Matatandaang lumahok si Liza sa isang webinar na pinamagatang “Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Child” na inorganisa ng Gabriela Youth, ang youth arm ng Gabriela.

Sinabi pa ng ginang na sa bawat karapatan na tinatamasa ng dalawang celebrities ay meron din itong kaakibat na responsibilidad na dalhin sa tamang landas na walang bantang kapahamakan ang mga umiidolo sa kanila.

Ipinagtanggol din ni Mrs. Lucena si Lt. Gen. Parlade.

Lt. Gen. Parlade| Imahe mula sa CNN PH

Aniya, hindi naman itinuturing ni Parlade bilang kalaban ang dalawa dahil sa kanilang adbokasiya na isulong ang karapatan ng mga kababaihan. Ginagampanan lang umano nito ang obligasyon at responsibilidad na pangalagaan at iligtas mula sa nagbabadyang kapahamakan ang bawat Pilipino ano man ang edad nito o kasarian.

Mababasa rito ang buong open letter ni Mrs. Lucena.

Source :

Facebook, PTN

Loading…