“It Really Hurts’ video ng LTO personnel inalmahan dahil sa kawalan ng ‘gender sensitivity’ umano

Screenshot mula sa Facebook video
  • Pinuna ng PCW ang ‘It Really Hurts’ video ng mga babaeng personnel ng LTO
  • Ito ay dahil sa kawalan umano ng ‘gender sensitivity’, ayon sa PCW
  • Dinepensahan naman ito ng opisyal ng DOTr na siyang nagbahagi ng video sa kaniyang Facebook page

Hindi nagustuhan ng Philippine Commission on Women (PCW) ang ginawa ng mga babaeng personnel ng Land Transportation Office (LTO)  na ‘It Really Hurts’ video na ibinahagi sa social media kamakailan.

Ang video ay may layong magpaalala sa publiko tungkol sa maaaring maging multa kapag lumabag sa batas trapiko. Ito ay ginawa ng mga tauhan ng LTO Region III at ibinahagi sa Facebook ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Screenshot mula sa Facebook ni Asec. Libiran

Dito ay makikitang sumasayaw ang ilang babaeng personnel sa saliw ng ‘It Really Hurts’ (mula sa ‘Kabet’ ni Gagong Rapper’) tulad ng pinausong challenge ng vlogger na si Mimiyuuuh.

Subalit dismayado ang PCW dahil mistulang hindi umano maganda ang naging pagsasalarawan sa mga babae sa video.

Ayon sa ulat ng GMA News, bagama’t walang tutol ang PCW sa mensaheng nais iparating ng video, naniniwala naman ito na “there are better and more effective ways to express the message other than having people, presumably their employees, perform gyrating dance moves that are totally irrelevant to the message that they want to convey.”

Screenshot mula sa Facebook video ni Asec. Libiran

Wika pa ng PCW, ang mga ahensiya ng gobyerno ay dapat magpamulat ng “consciousness of the general public in recognizing the dignity of women and the role and contribution of women in the family, community, and the society through the strategic use of mass media” base na rin sa  Magna Carta of Women.

Dapat umano ay maging maingat ang madla sa pagsasalarawan ng kababaihan bilang ‘non-discriminatory’ at ‘non-derogatory’ sa lahat ng uri ng media, communication, information dissemination, at advertising.

“Following this, all must be cautious as to the gender sensitivity of all media content, especially when it is targeted for the general public,” giit pa ng ahensiya.

Depensa naman ni Asec Libiran, hindi isang official campaign video ang ginawa ng LTO personnel at hindi rin ito ibinahagi sa mga official pages ng LTO o ng DOTr. Ito ay boluntaryong ginawa lang umano ng isang grupo ng kababaihan na may layong magpaalala lang sa publiko.

“The message is — It Really Hurts Na Magmulta, Kaya Magtino Ka Sa Kalsada,” wika pa ni Libiran sa panayam ng GMA News Online.

(I-click ang larawan sa ibaba para mapanood ang video)

Loading…