It’s Showtime, iba pang Kapamilya shows may bonggang pagbabalik sa free TV

Image by Vice Ganda via Facebook
  • Pagbabalik sa free TV ng It’s Showtime, en grande
  • Magkakaroon ng bonggang performances sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario at Kim Chiu
  • Marami pang ABS-CBN shows ang mapapanood sa A2Z Channel 11

En grande ang inihandang performances sa nakatakdang pagbabalik ng noontime show na It’s Showtime sa free TV ngayong Sabado. Naging posible ito dahil sa pagpayag ng A2Z Channel (ZOE TV) na magpalabas ang ABS-CBN ng mga programa sa istasyon.

Image by A2Z via Facebook

Pakaaabangan ang “Dynamite” at “Unstoppable” performances nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario at Kim Chiu; gayundin ang “Goodtime” ni Karylle.

Mapapanood din ang duo nina Jugs at Teddy sa kantang “Electric Dreams”; ang special dance number nina Amy Perez, Ryan Bang, Ion Perez at Jackque Gonzaga; gayundin ang kantang “Ang Buhay ay Gulong, Umiikot Lang” na itatanghal ng buong It’s Showtime family.

Magaganap rin sa October 10 ang weekly finals ng segment na Tawag ng Tanghalan at mayroong mga artistang susurpresa sa programa.

Matatandaang nauna nang nasabi ni Vice Ganda sa social media ang “Better Days” kung saan ipinahiwatig niya ang pagbabalik-free TV ng It’s Showtime.

Karagdagan pang mapapanood sa A2Z ang ASAP Natin ‘To sa Linggo para naman magdala ng mga musical performances at masayang laro sa mga manonood.

Mayroon namang marathon telecast ang mga programang FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, at Walang Hanggang Paalam ngayong weekends bago ang paglalabas ng mga fresh episodes nito sa Lunes.

Image by A2Z via Facebook

Aasahan ng mga manonood na sa mga susunod na araw ay ipalalabas na rin sa istasyon ang mga programang Paano Kita Mapapasalamatan, Iba ‘Yan, Magandang Buhay, I Can See Your Voice at Maalala-ala Mo Kaya.

Kasama ring mai-eere ang mga pelikula at educational programs mula ABS-CBN.

“ABS-CBN and Zoe are committed to work together to provide entertainment, public service programs, and educational content to the public,” ang pahayag ng dalawang kampo kaugnay sa agreement deal.

Image by A2Z via Facebook

Loading…