“It’s so good to be 65”: Charo Santos, 65-anyos na; pinasalamatan ang kabutihan ng Panginoon

Image by Charo Santos via Instagram
  • ABS-CBN chief content officer Charo Santos, 65-anyos na
  • Sinariwa nito ang kanyang paglalakbay na punung-puno ng tagumpay, pagsubok, pagkapanalo, pagkatalo, favors at pagkabigo
  • Pinasalamatan ni Santos ang Panginoon sa napakaraming biyayang naipagkaloob sa kanya

Sinariwa ni ABS-CBN chief content officer at ABS-CBN University president Charo Santos ang kanyang paglalakbay na punung-puno ng tagumpay, pagsubok, pagkapanalo, pagkatalo, favors at pagkabigo sa pagdiriwang ng kanyang ika-65 taong kaarawan.

Image by Charo Santos via Instagram

Pinasalamatan ni Santos ang kabutihan ng Panginoon dahil sa napakaraming biyayang ipinagkaloob sa kanya. Palagi umano niyang ipagpapasalamat na siya’y nabuhay, nagmahal at natuto; mas maraming pasasalamat sapagkat tuloy-tuloy pa rin, sabi niya, siyang nabubuhay, nagmamahal at natututo.

Aniya, “I know that I could not have survived these alone and my heart is filled with warmth knowing that I was always being guided every step of the way. I am grateful to have lived, loved and learned and all the more thankful that I am continually living, loving and learning.”

Pinasamalamatan din niya ang mga bumati. “Thank you for all your well wishes, for all the gifts, and most importantly for all the love you have showered me!!! It’s so good to be 65!”

Kalakip ng post ng ABS-CBN official ang mga larawang nagpapakita ng kanyang karera sa entertainment industry, ang pinakabago rito ay sa 43rd International Emmy Awards noong 2015.

Image by Charo Santos via Instagram

Bumuhos naman ang pagbati sa birthday celebrant. Ani Karen Davila, “Happy Birthday CSC!!! Classic – you are one of the most beautiful Filipinas ever. I remember your movies – favorite ko ang KakaBaKabaKaba?!”

Sabi naman ni Bianca Gonzales Intal, “Happiest birthday Maam Charo!! May you be blessed with good health so you can continue to do more of what you love.”

“Happy birthday, ma’am @charosantos! I will never forget the meaningful conversations we had while shooting Eerie. Please keep spreading your beautiful light! I look up to you and admire you so much,” ang pagbati ni Maxene Magalona.

Image by Charo Santos via Instagram

Loading…