Janella Salvador, nanganak na nga ba?

Imahe mula sa Instagram
  • Naging usap-usapan ang diumano ay panganganak ni Janella Salvador na ngayon ay nasa England
  • Nag-post kasi si Markus ng larawan sa Instagram stories kung saan makikita ang isang sanggol at isang babae na nakahiga
  • Bagama’t binura niya rin ito ay marami ang nakakuha ng screenshot nito

Hindi maiwasan ng fans ng aktres na si Janella Salvador na magtanong kung totoo nga bang isinilang na nito ang anak nila ng nobyong si Markus Paterson.

Imahe mula sa Instagram | Janella Salvador

Ito ay matapos na mag-post si Paterson ng mga larawan sa kaniyang Instagram stories na ngayon ay burado na. Nakakuha naman ng screenshots nito ang netizens at dito ay makikita ang isang babae na nakahiga sa hospital bed. Makikita rin doon ang isang sanggol.

Matatandaang naging usap-usapan noon ang pagdadalantao ni Janella matapos na mag-trend ang video kung saan maririnig siyang nagsasabi na bawal siyang tumalon. “Oh my gosh, I almost jumped, and that is not good. I’m not allowed to jump,” sabi ng aktres.

Lalo pang umugong ang balitang ito nang iulat ng entertainment site na PEP na kinumpirma sa kanila ng hindi nagpakilalang source na expecting nga ang magkasintahan.

Imahe mula sa Instagram | Janella Salvador

“Nakatakdang manganak si Janella sa Oktubre, sabi ng aming source na tumangging mapangalanan. Sinabi rin ng source na alam na ng piling malalapit na kaibigan ng aktres ang tungkol sa kaniyang kalagayan,” ayon sa kanilang ulat.

Nasa England ngayon sina Janella at Markus. Kamakailan lamang ay lumipad din doon ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio at ang kapatid na si Russell.

Hindi naman ikinatuwa ni Janella ang pagdumog ng ilang tao sa kaniyang Instagram upang magtanong tungkol sa isyung ito.

“Blocking people who have no respect and have nothing else to do but gossip. I am only allowing positivity in my space,” sabi ni Janella sa isang Instagram story.

Hindi pa nagsasalita ang magkabilang panig tungkol dito.

Agosto 2019 pa nali-link ang dalawa ngunit noong isang buwan lamang nila inamin ang kanilang relasyon.

Source :

DF Balita, PEP

Loading…