Janine Berdin ginulat ang lahat sa kaniyang transpormasyon

  • Marami ang nagulat sa transpormasyon ni Janine Berdin
  • Bukod sa buhok na pinakulayan ng kulay-purple, may kakaiba ring “glow” sa mukha niya
  • Naging positibo naman ang pagtanggap dito ng mga tagahanga niya

Nagulat ang mga tagahangang netizen ni “Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime” season 2 grand winner Janine Berdin matapos lumabas ang kaniyang mga larawan na nagpapakita ng kaniyang bonggang-bonggang transpormasyon; hindi lamang sa kaniyang kulay-purple hair, kundi maging sa kaniyang mukha.

Makikita sa Instagram post ni Janine ang kaniyang mga larawan, matapos ang ilang buwang pananahimik dahil sa pandemya at mga hamong kinaharap ng ABS-CBN sa prangkisa nito. Agad siyang naging trending sa Twitter kaya naman kinapanayam siya ni Darla Sauler sa YouTube channel nitong “Catch up.”

Imahe mula sa Instagram account ni Janine Berdin

Ayon naman sa panayam ni Darla kay Janine, minsan lamang daw mabuhay ang isang tao kaya maaari namang gawin ang isang bagay na makapagpapasaya sa iyo, basta’t walang maaapakang tao. Sabi nga sa wika ng mga kabataan ngayon, YOLO o “You Only Live Once.”

Narito ang ilan sa mga feedback ng netizens sa nakaka-wow na transpormasyon ni Janine:

“Either way, I still find Janine beautiful and she’s happier that way so just let her be,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I love seeing her this happy and confident with herself, she deserves it! Hope to see her perform and rock it out again on stage soon, sa ASAP Natin ‘To, It’s Showtime or whatever. Solid Kapamilya because of Janine!”

“Gogogo lang Janine, happiness comes within and it glows outside. Keep shining girl, do what makes you happy as long as you are not stepping others. Lastly, take care of your voice, I so like it. That makes it unique!” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Hindi lang ako sanay sa looks niya kasi mas nakilala siya sa original looks niya. Mas maganda siya para sa akin sa original looks niya pero kung saan siya masaya hayaan na, suportahan kita! Ang mahalaga, nag-uumapaw ang talento mo sa pag-awit!”

Imahe mula sa Instagram account ni Janine Berdin

Sa kasalukuyan, masaya si Janine bilang sa isang college student, at ipinangako niya sa kaniyang mga tagahanga na malapit na siyang mapanood sa It’s Showtime at ASAP Natin ‘To.

Samantala, panoorin ang panayam ni Darla Sauler kay Janine Berdin sa “Catch up” via YouTube channel:

Loading…