
- Nagbigay ng 425 toneladang bigas ang bansang Japan para sa mga nasalanta ng Taal Volc
ano noong Enero - Isinagawa ang turn-over ng bigas noong Oktubre 26 sa Batangas City
- Ang bigas ay nagmula sa sa Ministry of Agriculture, Forestry, and Fisheries (MAFF) ng Japan
Namigay ng 425 metric tons na bigas ang bansang Japan para sa mga pamilyang biktima ng pag-alburoto ng Bulkang Taal noong Enero.
Isinagawa ang turn-over ng tone-toneladang bigas sa isang simpleng seremonya noong October 26, 2020 sa Batangas City na pinangunahan ni Economic Minister Nakata Masahiro ng Japanese Embassy.

Ito ay dinaluhan din nina National Food Authority Administrator (NFA) Judy Carol L. Dansal, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bureau Director Emmanuel P. Privado, at Batangas Provincial Administator Levi G. Dimaunahan.
Ang bigas ay nagmula sa Ministry of Agriculture, Forestry, and Fisheries (MAFF) ng Japan sa ilalim ng framework ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR).
“Japan doesn’t neglect victims of the volcanic eruptions despite the pandemic,” ani Japanese Ambassador Koji Haneda.

Ang APTERR ay isang regional cooperation sa pagitan ng ASEAN+3 na bansa, na may layong palakasin ang food security, alleviate poverty, at puksain ang malnutrition sa rehiyon.
Ang initiative na ito ay binuo noong 2002 ASEAN+3 Ministerial Meeting sa Agriculture and Forestry (AMAF+3).
Noong 2019, namahagi rin ang Japan sa ilalim ng APTERR sa mga naapektuhan ng Bagyong Ineng sa Ilocos Norte at Bagyong Jenny sa Pangasinan.