Mommy Jinkee ibinahagi ang baby picture ni Jimuel Pacquiao; larawan nag-trending

Image by Jimuel Pacquiao via Instagram | Image by Jinkee Pacquiao via Instagram
  • Baby picture ni Jimuel Pacquiao, ibinahagi ni Jinkee sa social media
  • Maraming netizen ang napa-heart sign sa cute na baby photo
  • Ngayon ay hinahangaan na si Jimuel sa mundo ng sports at entertainment

Hindi maitatanggi ang kaguwapuhan at magandang hubog ng pangangatawan ng panganay na anak nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee. Maliban kasi sa pagiging sporty ni Jimuel ay pinasok na rin niya ang entertainment industry. Ano kaya ang hitsura niya noong baby pa lamang siya?

Image by Jinkee Pacquiao via Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Jinkee kamakailan ay makikita ang cute na sanggol na karga-karga ng kanyang nanay, nasa likuran naman si Manny. Marami ang napa-heart sign sa cute na Jimuel. Kuha ang larawan sa kasal ng mag-asawa.

Caption dito ng nanay, “My eldest @pacquiao.emmanuel ang bilis ng panahon. Mag 20 years old na sya next year #tbt #7monthold #gratefuleveryday.”

Ipinanganak si Jimuel noong February 6, 2001 sa United States of America. Siya ay 19-taong-gulang sa kasalukuyan.

Jimuel Pacquiao pinasok na ang mundo ng showbiz, kabilang na sa Star Magic

Ngayong taon lamang ay pumirma ang teenager sa Star Magic, ang talent center ng ABS-CBN, at nakapag-guest na rin sa ilang programa ng TV station. Para mas lalong mapahusay ang kanyang talento’y nag-a-attend siya ng mga acting workshops.

Aniya sa isang panayam, “I’m very happy ‘cause ever since din, I got interested in acting. So I’m very, very happy naman na I’m part of Star Magic now. I don’t want to waste the opportunities na binibigay. And I’m new and I want to try a lot of things. Mahilig ako mag-try ng mga new things.”

Image by Jimuel Pacquiao via Instagram

Jimuel Pacquiao ibinahagi ang pinakaimportanteng natutunan sa ama upang maging mahusay na boxer

Maliban dito’y naglalaro rin siya ng basketball at siyempre ang boksing sapagkat nasabi na niya noon ang pagnanais sumunod sa yapak ng ama.

Image by Jimuel Pacquiao via Instagram

Loading…