Julia Montes bagong leading lady ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsyano’?

Image by Coco Martin via Instagram | Image by cocojul_throwback via Instagram
  • Si Julia Montes na nga ba ang bagong leading lady ni Coco Martin sa Ang Probinsyano?
  • Allegedly, mapupunta na raw kasi sa karakter na ginagampanan ni Richard Gutierrez si Alyana
  • Malakas sa masa ang tambalang Coco at Julia mula nang ipakilala bilang love team noong 2012

Walang pagsidlan ng tuwa ang maraming tagahanga ng love team na CocoJuls makaraang banggitin ng entertainment columnist na si Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon ang diumano’y pagpasok ni Julia Montes sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Image by cocojul_throwback via Instagram

Pahayag ni Asis, pupuwedeng si Julia na ang gaganap na love interest ni Cardo Dalisay (ginagampanan ni Coco) sapagkat mapupunta na sa papel na ginagampanan ni Richard Gutierrez si Alyana (ginagampanan ni Yassi Pressman).

Aniya, “Yup, ayon sa chika, ito raw ang magiging bagong leading lady ni Coco Martin dahil si Yassi Pressman daw ay napupunta na ngayon kay Ri­chard Gutierrez base sa development ng five-year old teleserye ni Coco.”

Ani Asis, si Benjie Paras naman ang napapabalitang gaganap na ama ni Julia. Napatanong din ang columnist kung ang pagpapakulay ba ni Julia ay may kinalaman sa kanyang diumano’y pagpasok sa serye.

Malakas sa madlang pipol ang CocoJuls simula nang ipakilala sila bilang love team sa teleserye na Walang Hanggan noong 2012. Mayroon pa ngang mga bali-balita noon na may namuong relasyon sa dalawang artista.

Ang ispekulasyon naman sa pagpasok ni Julia sa Ang Probinsyano ay umugong din noong Disyembre 2019.

Image by cocojul_throwback via Instagram

Sagot naman ni Coco noon, “Siguro may tamang pagkakataon.” Nasabi rin ng pamosong aktor na isa ang aktres sa mga ikinukonsidera niya na isali sa cast ng palabas; si Coco kasi ay direktor din ng palabas.

Longest-running ABS-CBN soap ‘Ang Probinsyano’, 5 years na sa telebisyon

Noong nakaraang buwan ay ipinagdiwang ang ika-limang taong anibersaryo ng primetime series. Pinasalamatan ng mga cast at crew ang mga tagasubaybay sa patuloy na pagsuporta.

“Sama sama pa rin nating haharapin kahit ano pang pagsubok ang dumating. Happy anniversary, mga Ka Probinsyano,” sabi ni Coco.

Image by Coco Martin via Instagram

Loading…