JV Ejercito sa pagpuri kay VP Leni: “Just gave credit because it was due to her”

  • “Just gave credit because it was due to her”
  • Iyan ang pahayag ni JV Ejercito patungkol kay VP Leni
  • Sinalag ni Ejercito ang mga patutsada ng netizen na “Dilawan” na siya

Nilinaw ng dating senador na si JV Ejercito na bagama’t pinuri niya si Vice President Leni Robredo sa mga tulong at inisyatibong ginagawa nito para sa pagresolba ng mga suliraning kaakibat ng pandemya, hindi naman umano ito nangangahulugan na “Dilawan” na siya. Nararapat lamang daw ibigay ang papuri sa mga dapat pag-alayan nito.

Sa kaniyang Twitter post noong Oktubre 1, 2020, sinabi ni JV na bagama’t hindi sila “party mate” ni VP Leni, nararapat lamang daw na papurihan pa rin ito, dahil sa totoo lamang ay isa ang tanggapan nito sa mga patuloy na nagpapaabot ng tulong sa mga tao.

Imahe mula sa Twitter account ni JV Ejercito

[email protected] may not be my party mate but we have to give due credit, she has been one of the busiest in helping people during the pandemic. Givem the meager resources of the OVP, she was able to ask friends and people to do their share to help,” aniya.

Marami naman sa mga netizens ang nagtanong sa kaniya kung bakit niya pinupuri si VP Leni gayong bukas naman siya sa publiko na matindi ang suporta niya para kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinagot naman niya ang mga ito sa pamamagitan ng Twitter post noong Oktubre 2, 2020.

“A lot of people are asking if I am already ‘yellow’ after I praised VP Leni for her efforts during pandemic. Very unlikely. Just gave credit because it was due to her. We belong to opposite sides of the fence but we have high respect for each other,” aniya.

May isa pa siyang Twitter post  ukol naman sa mga nang-iinsulto sa kaniya dahil sa pagpuri kay VP Leni.

Public Domain Image

“Did we really get this low? Just praised VP Leni for what she has done during the pandemic and I get insulted? Was never a dilawan and will never belong to this circle. Even President Duterte praised me for speaking my mind and being honest in pointing out lapses of the admin.”

Si JV Ejercito ay kapatid ni Senador Jinggoy Estrada, na mga anak naman ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Loading…