K Brosas ipinasilip na ang Lunch Out Loud; excited na sa bagong chapter ng kaniyang career

  • Ipinasilip na ni K Brosas ang teaser ng Lunch Out Loud
  • Isa siya sa mga hosts ng pinakabagong noontime show sa TV5
  • Labis ang pasasalamat niya dahil sa bagong kabanata sa kaniyang karera

Pormal na ngang ipinasilip ng komedyante at singer na si “K Brosas” ang teaser ng pinakabagong noontime show ng TV5 na “Lunch Out Loud” o LOL kasama sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Isabelle Daza, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero, at social media influencer Macoy Dubs.

Makikita sa kaniyang Instagram post ang teaser na may mahabang caption para sa kaniyang mga tagasubaybay, na nagpapaliwanag sa kaniyang paglipat sa TV5 Kapatid Network. Si Brosas ay identified bilang “Kapamilya” at dating hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime, na makakatapat nila sa time slot.

Imahe mula sa Instagram account ni K Brosas

“Napakalaking blessing nito sa akin… kaya uunahan ko na mga nega… Super grateful ako na naging Kapamilya ako lalo na sa It’s Showtime, Tawag ng Tanghalan, at UKG, pero kailangan ko pong magtrabaho at now lang ako nabigyan ng ganitong show na noontime as host at hurado, pati na rin sa Bangon Talentadong Pinoy,” saad niya.

Dagdag pa niya, “Natutuwa ako kasi masaya naman mga kaibigan ko at naka trabaho lalo na sa mga taga-It’s Showtime sa blessing na ito. Salamat po ABS-CBN. Mahal ko kayo…”

At syempre, hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang bago niyang tahanan.

“Salamat sa Brightlight Productions at sa TV5 sa panibagong chapter ng career ko. Thank you Lord.”

Samantala, sinagot naman ni Brosas ang isang netizen na nagsabing sa kalabang palabas pa rin ito manonood. Sagot niya, wala naman daw problema sa kaniya dahil talaga namang masaya sa naturang noontime show.

Narito naman ang mga pagbati sa kaniya ng mga netizens:

“Miss K kahit TV5 pa ‘yan you were still a Kapamilya in our hearts po ganiyan ang ABS magmahal sa mga artist nila di nila pababayaan,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Happy for all of you, nakaka-sad lang na makita kayo sa ibang channel, nakakapanibago man, siguro masasanay na lang din ang mga tao. Once a Kapamilya, always a Kapamilya.”

“Guys, suportahan na lang natin sila. May pamilya rin naman sila at need nila magtrabaho. Bilog naman ang mundo. Babalik din naman sila sa ABS kapag maayos na ang lahat,” wika naman ng isa.

Ang Lunch Out Loud o LOL ay magsisimula na sa Oktubre 19, 2020 sa ganap na 12:00 n.t.

Loading…