Kakaibang pinya mula sa Del Monte kulay pink ang laman

Imahe mula sa Del Monte Fresh Produce
  • Kakaibang pinya na ang laman ay kulay pink, ibinebenta ng Del Monte
  • Ang kulay pink na pinya ay resulta ng labing-anim na taong pananaliksik at genetic engineering
  • Aprubado ito ng US FDA na nagsabing kasing ligtas kainin at kasing sustansya ng karaniwang pinya, pero mas makatas, mas matamis at ‘di gaanong maasim

Pinya na may kakaibang kulay maaari nang mabili mula sa Del Monte. Salamat sa siyensya dahil imbes na pangkaraniwang kulay dilaw, pink ang kulay ng laman nito kaya naman ang ipinangalan dito ng kumpanya ay Pinkglow Pineapple.

Imahe mula sa Del Monte Fresh Produce

Ang kakaibang kulay nito ay resulta ng labing-anim na taong pananaliksik at genetic engineering para masigurong perpekto ang lasa at halimuyak nito.

Aprubado na ito ng US Food and Drug Administration (FDA) na nagsabing ligtas kainin at kasing sustansya ng ordinaryong pinya, pero mas matamis, mas makatas at hindi gaanong maasim.

“Del Monte’s new pineapple has been genetically engineered to produce lower levels of the enzymes already in conventional pineapple that convert the pink pigment lycopene to the yellow pigment beta carotene. Lycopene is the pigment that makes tomatoes red and watermelons pink, so it is commonly and safely consumed,” ayon sa FDA.

Ang Pinkglow pineapple ay sa piling mga taniman sa Costa Rica lang pinatutubo dahil akma ang lupa at klima doon para sa mga pinyang ito.

Imahe mula sa Del Monte Fresh Produce

May kamahalan lang ito sa $49 kada piraso at mabibili lang online sa espesyal na website ng Del Monte para sa Pinkglow Pineapple.

Kapag bumili ka ng pink pineapple ay hindi kasama ang “korona” nito o ‘yung mga dahon. Ito ay dahil itinatanim ulit iyon upang mas maparami pa ang mga pinyang kulay pink.

Imahe mula sa Del Monte Fresh Produce

Loading…