Kaladkaren Davila ipinasilip ang mga makakasamang singvestigators sa “I Can See Your Voice”

  • Muli nang mapapanood ang “I Can See Your Voice”
  • Ipinasilip ito ng isa sa mga bagong singvestigators na si KaladKaren Davila 
  • May mga bago siyang makakasama matapos mawala ang ilan sa kanila

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik ng “I Can See Your Voice” na mapapanood na sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z Channel 11, batay sa mga pasilip ng sikat na impersonator ni News Anchor Karen Davila na si “KaladKaren Davila.”

Makikita sa mga social media accounts tulad ng Facebook at Instagram ni KaladKaren o “Jervi Li” sa tunay na pangalan, ang day 1 ng kanilang taping. Masaya rin siya dahil nakabalik na sila sa trabaho, at proud siyang sabihin na isa pa rin siyang “Proud Kapamilya.”

Imahe mula sa Instagram account ni KaladKaren Davila

“First taping day!!! Still a Kapamilya!” saad ni KaladKaren sa kaniyang Instagram post. Ipinakita pa niya sa larawan ang hawak na lapel at logo ng ABS-CBN sa background.

Samantala, sa Facebook post naman ay makikita ang mga pasilip sa mga bagong “singvestigators” na makakasama niya, na tutulong sa celebrity contestants na mahulaan kung sino nga ba ang singer o seentunado sa kanilang mga tampok na bisita. Batay sa mga larawan, nadagdag ang mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, at Eric Nicolas.

Nanatili naman ang mga original singvestigators na sina Andrew E at Angeline Quinto. Wala naman sa larawan si Kian Cipriano. Sina Bayani Agbayani, Wacky Kiray, at Alex Gonzaga ay nawala nang tuluyan dahil nasa TV5 na sila para sa mga upcoming shows na “Lunch Out Loud” na makakatapat ng “It’s Showtime” at “Eat Bulaga.”

Sabik na ang mga tagahanga na muling mapanood ang naturang South Korean TV show.

“Bilib ako kay Andrew E, dahil nanatili pa rin siya sa ABS-CBN Kapamilya, ganoon din sina Long Media, Negi at Eric Hi also to Luis, Karen at Angeline! Love you all po,” sabi ng isa.

Imahe mula sa Instagram account ni KaladKaren Davila

Turan naman ng isa, “So excited to make hula na kung sino ang singers at seentunado!”

Abangan ang mga detalye kung kailan nga ba mapapanood ang pagbabalik ng “I Can See Your Voice” hosted by Luis Manzano.

Loading…