Kasong isinampa ng PNP Captain laban sa lady Grab driver ibinasura ng piskalya

Screenshot mula sa "Wanted sa Radyo" video
  • Na-dismiss na ang kasong isinampa ng PNP Captain laban sa lady Grab driver na si Mary Florence Norial
  • Labis na natuwa si Raffy Tulfo sa pagkakabasura ng kaso laban kay Norial
  • Ipinangako ni Raffy Tulfo kay Norial na gagawin niya ang lahat para mabigyan ng leksyon si P/Capt. Ronald Saquilayan

Ikinatuwa ni Raffy Tulfo ang balitang na-dismiss na ang kasong isinampa ni Police Captain Ronald Saquilayan laban kay Mary Florence Norial; ang lady Grab driver na nakaalitan sa driveway ng Starbuck’s sa Taguig City.

Screenshot mula sa “Wanted sa Radyo” video

“Ah, ‘yan talaga ang good news. So, binasura ng piskalya ‘yung kasong isinampa ni Capt. Saquilayan laban kay Mary Florence Norial, ang lady Grab driver,” sambit ni Raffy Tulfo.

“Payback time,” sabi pa ng beteranong broadcast journalist.

Sinabi ng abogadong humawak sa kaso na si Atty. Benedicto Beley na matapos ma-review ang mga ebidensyang iprinisinta ni Capt. Saquilayan, mismong ang korte ang nagsabing walang probable cause para ituloy ang kaso laban kay Norial.

“Actually, it was the court itself ang nag-expound that no probable cause exists para ituloy ang trial against kay Florence,” ani Atty. Beley.

“Dismissed na po ang kaso sa kanya (Norial),” saad pa ng abogado.

Sinabi pa ng abogado na nagpahayag ng kahandaan si Norial na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa PNP Officer – isang bagay na lalong ikinatuwa ni Raffy Tulfo.

Screenshot mula sa “Wanted sa Radyo” video

Ayon naman sa staff ng “Wanted sa Radyo” na si Mao, bakas sa mukha ni Norial ang kasiyahan nang marinig sa isinagawang hearing sa korte na dismissed na ang ikinaso sa kanya ni Saquilayan.

“Sobrang happy po ako, ibinalita ko agad sa nanay ko. Siya po ‘yung una kong tinext. Sobrang happy po naming lahat. Thank you po,” masayang lahad ni Norial nang kamustahin siya ni Raffy Tulfo.

Ipinangako ni Raffy Tulfo kay Norial na gagawin niya ang lahat upang matuloy ang pagsasampa ng kaso nang mabigyan ng leksyon si Saquilayan. Ang hiling lang niya kay Norial ay huwag magpapaareglo.

Screenshot mula sa programang “Wanted sa Radyo”
Source :

YouTube

Loading…